Kinabukasan ay maagang nagising sila Denver at si Hans na halos ilang oras lamang ang naging tulog. Tulad noong gabi ay inasikaso ni Denver ang pagluluto ng pagkain nila para sa magiging almusal habang si Hans naman ay pinauna na ni Denver na maligo upang makapagbihis na din, dahil na din sa walang damit na maisusuot si Hans dahil sa nangyaring sunog ay muling binigyan ni Denver ito ng damit na maaari nitong suotin.
Habang nasa banyo si Hans at masiguro ni Denver na nagsisimula na itong maligo ay pansamantala niyang itinigil ang pagluluto niya ng almusal. Mabilis ngunit maingat siyang nagtungo sa silid kung saan natulog si Hans, agad niyang nilapitan ang kama at kinuha ang puting unan na tila ba may hinahanap. At nakita niya ang isang hibla ng buhok na siyang nagmula kay Hans, agad niyang kinuha ang isang maliit na resealable plastic at doon ay inilagay ang buhok ni Hans at mabilis na ibinulsa. Kanyang ibinalik ang unan sa dating ayos nito at mabilis na lumabas ng silid na iyon.
Sa mga sandali namang iyon ay tahimik na naliligo si Hans, nakatapat siya noon sa shower na patuloy lamang ang pagbuhos ng malamig na tubig sa kanya. Nakatukod ang dalawang mga kamay sa pader ng paliguan na gawa sa maliliit na itim na tiles. Bahagyang nakayuko si Hans na tila malalim ang kanyang iniisip.
"Matagal na panahon ang lumipas nabuhay ako bilang ibang tao. Nalayo ako sa mga taong mahalaga sa akin. At ngayon, ngayon na naaalala ko na ang lahat, sapat na ba ang bumalik lang ako sa kung sino ako? Bakit pakiramdam ko ay may kulang? Bakit pakiramdam ko ay may inaasam ang puso ko?" ang mga salita at tanong na ibinulong ni Hans sa kanyang isipan.
Nagbalik si Denver sa kusina na tila wala siyang ginawang kakaiba, muli niyang ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa ngunit may halong pagkabagabag siyang nararamdaman dahil sa pakiramdam niya ay nilinlang niya si Hans sa mga oras na iyon. Pero pinilit na lamang niyang ipanatag ang kanyang kalooban at napabuntong hininga siya bahagyang umiling upang alisin ang ano mang gumugulo sa kanyang isipan.
"Kung para sa ikabubuti ni Hans, gagawin ko." Ang bulong na sabi ni Denver at kanyang pinatay ang kalan at hinango ang nilutong sinangag na kanin at isinalin sa isang malaki at malinaw na babasaging lalagyan.
Nang oras na iyon ay tapos na din si Hans na maligo, nakapagpunas na siya noon ng kanyang katawan, at kinuha niya ang mga damit na ibingay sa kanya ni Denver, agad niyang isinuot ang itim na longsleeve polo at tahimik na ibinutones ito. Sumunod niyang isinuot ang puting pantalon na bahagyang may pagkahapit. Bago lumabas ng banyo ay kanyang kinuha mula sa suot na pantalon na pangtrabaho niya na kinuha niya mula sa kanyang bag ang tie clip na ibinigay sa kanya ni Denver. Pinagmasdan niya ito ng matagal, pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya ang tie clip na iyon, pero dahil sa ano mang pilit niya na alalahanin kung saan niya nakita ang tie clip na iyon ay agad na din niya itong ibinulsa, at ibinalik ang pantalon sa kanyang bag.
Sa paglabas ni Hans sa banyo ay agad siyang sinalubong ni Denver ng isang ngiti at pagbati, sabay aya dito na kumain ng almusal.Sandali ding napatitig si Denver kay Hans dahil sa bumagay dito ang damit na kanyang ibinigay, ngunit dahil sa nahalata niya na tila nahiya ito ay agad nang binawi ni Denver ang kanyang pagtitig dito at agad na muling inaya si Hans na mag-almusal.
"Kamusta pala ang tulog mo? Nakapagpahinga ka ban g maayos kagabi?" ang tanong ni Denver kay Hans habang papaupo ito.

BINABASA MO ANG
Triple X
General Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...