7th X

2.4K 100 8
                                    



"Mother Superior, ikinagagalak namin ni Fernando na makita kayong malakas at nasa mabuting kalagayan, matagal na din nang huli kaming mabisita dito." Ang sabi ng babaeng bisita na siyang agad na nagmano kay Madre Superyora, at sumunod naman agad na nagmano sa kanya ang asawa nito.


"Kaawan kayo ng Diyos. Masaya din akong makita kayong muli Helen at Fernando, at sa aking palagay ay nananatiling matatag pa din ang inyong pagsasama bilang mag-asawa." Ang nakangiti at masayang tugon ni Madre Superyora sa babaeng bisita na tinawag niya sa pangalang Helen. "Ang akala ko nga ay hindi na kayo matutuloy sa muling pagbisita niyo rito at para ayusin ang bagay na pinakiusap ninyo." Ang dagdag nitong sabi.


"Pwede po ba naman 'yon Mother Superior, kahit kailan hindi namin malilimutan na dumalaw-dalaw dito kahit papaano, hindi namin pwede basta basta kalimutan ni Helen ang lugar na ito, ang lugar na naging tahanan namin sa loob ng maraming taon, ang lugar kung saan ko nakilala ang aking mahal na asawa." Ang may paglalambing na sabi ni Fernando sabay tingin sa asawa niyang hindi naiwasan ang mapangiti dahil sa mga nadinig nito.


Hindi rin naiwasan na mapangiti ng mga madre na naroon sa loob ng tanggapan ng Madre Superyora nang marinig nila at madama nila kung gaano kamahal ng mag-asawang bisita nila ang isa't isa. "Kayo talagang dalawa, walang pinagbago hanggang ngayon ay pinatutunayan niyong itinadhana talaga kayo na magtagpo, pero bago tayo malayo sa tunay na dahilan bakit kayo naparito ay mabuti pa ay maupo na muna tayo." Ang nananatiling nakangiting paanyaya ni Madre Superyora sa mag-asawa.


Nang mga sandaling iyon naman ay lingid sa kaalaman ng mga tao sa loob ng tanggapang iyon ng Madre Superyora na si Xenon ay nasa labas lamang nito at tahimik na nakikinig sa kanilang usapan, dahil sa medyo kulob ang tanggapang iyon at bata pa si Xenon ay malinaw niyang nadidinig ang usapan ng mga naroon.


"Kamusta ang mga larawan na ipinadala namin sa inyo, mayroon na ba kayong napili na ampunin sa mga batang narito?" ang direktang tanong ni Madre Superyora sa mag-asawa. Nagkatinginan ang mag-asawa at binigyan nila ng ngiti ang isa't isa, isang tango ang ibinigay ni Helen kay Fernando na siya namang agad na kinuha ang dalang atache case at kinuha dito ang isang folder at iniabot sa Madre Superyora na siya namang agad na isinuot ang kanyang antipara at binuksan ang folder na iniabot sa kanya.


"Nariyan po ang larawan at ang impormasyon ng mga batang nais naming ampunin, sila ang napili namin mula sa mga larawan at kaunting impormasyon na ibinigay niyo sa amin, at mga kopya ng dokumeto para sa legalisasyon ng pag-aampon namin sa mga batang nasa larawan." Ang malumanay at tila sabik na sabi ni Helen, ngunit tila bigla siyang nakaramdam ng kaba, gayon din si Fernando nang makita nila na bahagyang nawala ang ngiti sa mga labi ng Madre Superyora.


"Mother Superior may problema po ba? Bakit po tila may bumagabag sa inyo bigla?" ang agad na tanong ni Fernando, nang madinig iyon nila sister Therese at iba pang madre na naroon ay napatingin din sila sa Madre Superyora at nakita nga nila na parang bahagya itong namoblema.


"Mother Superior, may nakaampon na po bas a mga batang napili namin?" ang tila malungkot at nanghihinayang na sabi ni Helen. Tumingin ang Madre Superyora kay Helen pagkaalis nito ng kanyang antipara.


"Wala kayong dapat ipangamba tungkol sa kung may nakaampon na sa mga batang narito sa larawan." Ang sabi ni Madre Superyora, nang madinig naman iyon ng mag-asawa ay bahagya silang nakahinga ng maluwag at napangiti.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon