17th X

2K 82 6
                                    


Dahil sa biglaang pagkawala ng malay ni Hans ay agad siyang isinugod nila Arthur sa pinakamalapit na ospital, nang mga sandaling iyon ay halos di alam ni Arthur ang kanyang gagawin. Nang madala na siya sa ospital at mapaubaya na nila Arthur ang pag-asikaso kay Hans sa doktor ay agad na tinawagan ni Arthur si Mrs. Marquez upang ipaalam ang nangyari at upang maiparating ito kila aling Josie.


"Anong nangyari sa kanya? Bakit bigla na lang siyang nawalan ng malay?" ang tanong ni Xian na nag-aalala para kay Hans, nasa labas sila noon ng emergency room at tanging silang dalawa ni Arthur ang nakatayo at halos di mapakali kakalakad ng pabalik-balik habang si Xenon ay nakatayo sa isang tabi at pinagmamasdan silang dalawa ng tahimik.


"Baka dahil sa pagod dahil galing pa siya sa trabaho nang isama ko siya, pero hindi eh, kasi mukhang okay naman siya bago kami makarating sa restaurant. At bago niya kayo..." ang hindi na naituloy na sabihin pa ni Arthur dahil nakita nila ang pagbukas ng emergency room at paglabas ng doktor na umasikaso kay Hans, kasunod noon ay ang paglabas din ni Hans na wala pa ding malay na ihahatid na noon sa magiging kwarto niya.


"Doc, okay lang po ba siya?" ang agad at tensiyonado na tanong ni Arthur sa doktor na kaharap nila.


"Ano pong kalagayan niya? Ayos lang naman siya hindi po ba?" ang dagdag na tanong ni Xian na puno nang pag-aalala.


"Kumalma lang kayo mga ginoo, huwag na kayong mag-alala dahil ligtas na naman ang kasama niyo, nawalan lamang siya ng malay pero kailangan niya munang ma-confine dito kahit ngayong gabi lamang dahil may gagawin pa kaming ilang pagsusuri sa kanya sa oras na magising siya, pero mas makakabuti sana kung nandito ang kanyang magulang para mas mapadali ang lahat dahil maaaring masagot na din nila ang mga tanong namin." Ang sabi ng doktor sa kanila, at dahil nga doon ay kumalma din sila Arthur at Xian.


"Tinawagan ko na po doc ang mommy ko at isasama niya papunta rito ang magulang niya kaya naman po asahan niyo po na sasamahan ko siya sa inyo sa oras na makarating na po sila." Ang tugon naman ni Arthur.


"Mas mabuti kung ganon, sa ngayon, pwede niyo nang samahan muna ang kasama niyo sa kanyang kwarto at tumawag lamang kayo ng nurse at ipatawag niyo ako sa oras na magising siya." Ang nakangiting sabi naman ng doktor.


"Opo doc." Ang sabay pang pagtugon nila Arthur at Xian, at nangiti na lamang ang doktor sa kanila at pareho na tinapik ang kanilang balikat at pagkatapos ay iniwan na sila nito.


"Kuya hindi pa ba tayo aalis para umuwi?" ang pagtatanong ni Xenon sa kanyang kuya na tila iritable nang sila na lang ang maiwan noon sa pasilyong iyon ng ospital. Napatingin sa kanya sila Arthur at Xian na para bang nagtataka sa tono ng pananalita niyang iyon.


"Kung gusto mo umuwi, mauna ka na Xenon, sasamahan ko na muna si Arthur na bantayan ang kaibigan niya." Ang sabi ni Xian at napakunot na lang ng kanyang noo si Xenon sa nadinig niyang sinabing iyon ng kanyang kuya.


"Wow kuya parang biglang bilis naman yata nagbago ng ihip ng hangin. Anong nangyari at tila close ka na ulit kay Arthur? Akala ko ba yaw mo na siyang makita o makasama?" ang sarkastiko at inis na sabi ni Xenon at nakaramdam ng pagkainis noon si Xian sa sinabing iyon ng kanyang kapatid na tila ay hinihiya na siya sa harapan ni Arthur.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon