Nagsimulang mangilid ang mga luha sa mata ni Arthur nang mga sandaling iyon nang marinig niya ang pagtunog ng gitara at ang malamig at magandang tinig na umaawit ng kantang kanyang inawit para para sa isang tao na para sa kanya ay napaka espesyal. Hindi niya alam kung bakit ngunit kakaibang saya ang kanyang nararamdaman, kanyang iginala ang paningin sa buong paligid upang hanapin ang taong umaawit nito, hanggang sa isa-isa nang magsipagbukas ang mga ilaw ng rooftop, dahilan upang mag liwanag ang buong rooftop at mas makita niya nang mabuti ang buong paligid, ilang sandali pa ay huminto ang pagkanta ngunit di pa din niya nakikita ang taong kanyang hinahanap.
Dahan-dahan na naglakad sa rooftop si Arthur, habang pinupunasan na ang kanyang mga luha na hindi na napigilan pang kumawala. Patuloy siya sa pagtingin sa buong paligid habang dahan-dahang naglalakad. Mula sa likod ng isang malaking istante kung saan nakalagay ang ilang mga halamang nakapaso ay nakangiti at dahan-dahang lumabas ang taong buong araw niyang hinanap.
"Ha-Ha-Hans!" ang masayang sabi ni Arthur at yayakapin n asana niya ito nang biglang umiling nang nakangiti ito sa kanya, sabay senyas na huwag muna siyang lumapit dito.
"Bakit Hans? May problema ba? May nagawa ba akong pagkakamali o kaya may hindi ka nagustuhan na ginawa ko nitong nagdaang araw?" ang tanong ni Arthur na puno nang pagtataka kung bakit ayaw siyang palipitin nito para mayakap niya ito. At isang iling muli na may ngiti ang itinugon nito sa kanya, at doon ay nakita ni Arthur ang pangingilid ng mga luha nito.
"Kung wala akong problema? Kung wala akong nagawang mali at hindi mo nagustuhan? Kung ganon bakit ayaw mo na lumapit ako sa'yo?" ang nananatiling nalilitong tanong ni Arthur.
"Ang tagal Arthur, ang tagal nating nagkalayo, matagal na panahon din ang hinintay mo, matagal na panahon mo akong hinanap, gusto ko na hindi ikaw ang lumapit sa akin, dahil ang gusto ko ay ako naman ang lumapit sa'yo." Ang sabi ni Xavier na nagsisimula nang lumuha dahil sa saya na kanyang nararamdaman.
"Teka ano bang nangyayari, bakit ganyan ka magsalita, at bakit ganito ang buong paligid, at bakit parang alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang kantang kanina'y kinanta mo?"
"Arthur patawarin mo ako kung nakalimot ako, patawarin mo ako kung nabura ka sa aking alaala. At patawarin mo ako kung ngayon ko lang sasabihin ito sa'yo simula nang dumating sa akin ang pagkakataong naalala ko na ang lahat, lahat-lahat nang dapat kong maalala. At bukod don ay ang dami ko ding natuklasan kasabay noon. Arthur ako si..."
"Si Xavier. Ikaw si Xavier, tama ako di ba, ikaw si Xavier, tama ako di ba Hans, ikaw si Xavier?" ang sabi ni Arthur na bumuhos ang mga luha ngunit kababakasan nang labis ding kagalakan at kasiyahan ang kanyang mukha. "Kailan man ay hindi ako nagalit o nagtampo sa'yo. Tama ako, tama ang puso ko, tama ang pagpapasya ko na maniwala at magtiwala na babalik ka na makikilala mo ako, na malalaman mo kung sino ka at sino ako sa buhay mo. Masaya ako, hind, hindi lang ako basta masaya, Xavier, masayang masaya ako kasi, kasi nandito ka na, kasi nagbalik ka na." ang dagdag na sabi ni Arthur na halos di na makagalaw sa kanyang kinatatayuan habang patuloy na umiiyak at masayang pinagmamasdan si Xavier na nakatayo sa kanyang harapan.
"Arthur..." ang tanging nasabi ni Xavier at patakbo siyang lumapit kay Arthur at ilang hakbang bago siya tuluyang makalapit ay lumundag siya at kabay noon ay ang pagyakap niya kay Arthur na muntikan na nilang ikatumbang dalawa. "Masaya din ako, masaya din ako na naaalala ko na ang lahat. Masaya ako, masayang masaya." Ang umiiyak na sabi ni Xavier, at naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap sa kanya ni Arthur.

BINABASA MO ANG
Triple X
General Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...