Madaling araw pa lamang ay nasa lugar na ng paggagananpan ng idadaos na pagtitipon at pagsasalu-salo sila Denver ang kanyang mga empleyado. Tulad ng nakasaad sa imbitasyon na ibinigay sa kanya ni Arthur na sila ang siyang mag-aasikaso sa pagkain na kakainin ng mga panauhin sa naturang pagtitipon at pagsasalu-salong iyon. Kasama na din sa paghahandang iyon nila ng makakain ang pag-aasikaso sa magiging ayos ng mga mesa at mauupuan ng lahat ng dadalo.
Kilala at alam ni Denver kung gaano kalaking oportunidad at pagkakataon iyon para sa kanya, sa restaurant, at mga empleyado niya, dahil alam niya na ang tao o korporasyon na kanilang paghahandaan ay isa sa pinakamalaki at pinakakilalang korporasyon sa buong mundo, ang Liberty Star Corporation.
"Oh sige iusog mo pa ng kaunti sa kaliwa Michael, masiyadong mawawalan ng dadaanan ang mga guess na mauupo diyan." Ang sabi ni Denver bilang utos sa isa sa kanyang mga empleyado na umaasikaso sa pag-aayos ng mga mesa.
"Oh Roma kamusta na yung mga pagkain na ihahain? Nabili na ba lahat ng kailangang sangkap? Wala bang kulang o kaya naman ay wala bang problema sa mga sangkap?" ang agad niyang usisa nang makita niya si Roma na papunta na noon sa mesa na paglalagyan ng mga ihahandang pagkain sa oras na maluto na ang mga iyon.
"Ah wala na po sir, maayos na po ang lahat. Hinihintay na lang po namin ang signal niyo para maumpisahan na din ang pagluluto." Ang sabi ni Roma bilang tugon na may ngiti, at agad din niyang binawi. Napansin iyon ni Denver kaya naman hindi din nito naiwasan ang magtaka dahil kalimitan ay isa si Roma sa mga empleyado niyang pinaka sabik sa mga paghahanda na tulad ng ginagawa nila sa mga sandaling iyon.
"Mukhang hindi ka masiyado yatang hyper ngayon Roma? Dati rati ay ikaw pa ang excited sa mga ganitong events. May problema ba?" ang agad na tanong ni Denver.
"Ah wala po sir, medyo nalungkot lang ako dahil naalala ko ang bff ko na si Hans. Alam niyo na po kami po laging dalawa ang madalas magkakulitan, at sa mga ganito lagi din kaming tandem, di ko lang talaga inaasahan na hindi na natin po siya makakasama sa mga ganitong pagkakataon." Ang sagot ni Roma na napabuntong hininga.
"Ano ka ba, cheer up Roma. Naniniwala ako na may dahilan si Hans kung bakit siya umalis, at alam ko na makikita natin siya muli, hindi man natin siya makasama sa mga ganitong gawain pa, ay alam ko na masaya siya na makita tayo na masaya sa ginagawa natin na nagpasaya din sa kanya noon. Malay mo isang araw magpakita ulit siya sa atin. Masiyado na din maraming pinagdaanan si Hans kaya siguro kailangan din niya na ipahinga talaga muna ang sarili niya." Ang sabi naman ni Denver bilang pagbibigay lakas loob kay Roma ngunit sa loob loob niya ay nalulungkot din siya, ngunit alam niyang wala na siyang magagawa pa. "Sige na balik na tayo sa trabaho para maging maganda ang kalabasan nito." Ang dugtong ni Denver at nakangiting tumango si Roma at nagmamadaling tinungo ang paglalagyan ng mga pagkaing ihahain upang ayusin.
Sumapit ang ika-pito nang umaga nang araw ding iyon nang magsimula nang magsidating ang mga panauhin at ilang kinatawan ng media. Mga naggagandahang sasakyan ang makikitang isa-isang dumadating sa pagdadausan ng salu-salo, halos mamanha din sila Roma at ang mga kasama niya dahil sa hindi nila inaasahan na mga bigatin at kilalang personalidad sa bansa ang halos karamihan sa mga panauhin. Kaya naman mas pinagbutihan nila ang pag-asikaso sa bawat panauhing dumarating. Nasa labas noon si Denver upang sandaling magpahangin at nais din niyang malaman kung sino-sino ba ang mga panauhin na darating. Papasok na sana noon si Denver upang tumulong sa kanyang mga empleyado at para na din tignan kung ayos pa ang ginagawa nang mga ito, nang biglang dumating ang tatlong sasakyan at nang makita niya ang isa sa mga iyon ay napatigil siya at pinagmasdan iyong mabuti.

BINABASA MO ANG
Triple X
General Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...