Magkasunod na huminto ang sasakyan nila Xenon at Berny sa labas ng ospital na kinaroroonan nila Hans. Sabay na lumabas sa kanilang sasakyan sila Xenon at Berny, sa paglabas ni Berny sa sasakyan niya ay agad niyang tinignan ang ospital na nasa kanyang harapan at napatingin kay Xenon.
"Ano namang ginagawa natin dito sa ospital? Ang akala ko ba ay dadalhin mo ako kung nasaan si Xavier?" ang tanong ni Berny na bahagyang napakunot ang noo dahil pakiramdam niya ay niloloko lamang siya ni Xenon. Napangisi naman si Xenon nang makita niya ang reaksiyon ni Berny na iyon, sa unang pagkakataon ay nakita niyang bahagyang naasar sa kanya ang lalaking ilang beses pa lang niyang nakita ay nabuwisit na siya.
"Nasa ospital na 'yan si Xavier. Well not sure kung siya nga ang kapatid ko dahil it seems na hindi niya kami maalala, maybe dahil bata pa siya noon at natabunan na ang alaala namin sa isip niya kaya ganon, pero kamukha niya ang kapatid ko, so kung gusto mo makasiguro puntahan mo siya at after it ipa-DNA natin siya to be sure na siya nga, at pag siya na isama mo siya kahit saan. Basta malalayo mo siya sa akin, kay kuya Xian, at lalong lalo na kay Arthur." Ang sabi ni Xenon na seryosong nakatingin kay Berny habang sinasabi niya ang mga salitang iyon, at kanyang isinara ang pinto ng sasakyan.
"Sabihin mo nga, may gusto ka ba kay Arthur?" ang diretsahang tanong ni Berny kay Xenon at bahagya namang natigilan si Xenon nang madinig niya ang tanong na iyon sa kanya ni Berny.
"What if I said yes? May masama ba? Hindi ba ikaw din naman may gusto sa bunsong kapatid ko? So tama lang siguro na magtulungan tayo to get rid each other's rival hindi ba?" ang sabi naman ni Xenon at napangisi at napailing na lamang si Berny.
"Totoo nga talaga na may mga taong kayang ipagkanulo ang kanilang kadugo kapag pagmamahal na ang pinag-uusapan. Well okay lang naman sa akin ang idea, dahil at least I can say na boto sa akin ang kaptid ng taong minahal ko noon ng palihim."
"Oo na, oo na, masiyado nang nakakabagot kang kausap, tara na sa loob ng ospital at nang makita mo na ang pinapangarap mo." Ang sabi ni Xenon at nagpatiuna na siyang naglakad pero agad siyang huminto at nilingon si Berny nang makita niyang hindi ito kumikilos sa kinatatayuan niya.
"Oh anong problema? Bakit ayaw mo pa sumunod sa akin? Don't tell me nagbago na isip mo?" ang tanong ni Xenon na pigil ang inis.
"Naisip ko lang na hindi magandang ideya na bigla ko siyang puntahan, at bukod don hindi mo naman ako katulad na walang kunsensiya." Ang napangising sabi ni Berny, at kanyang nilapitan si Xenon. "Gagawa ako ng paraan para magkakilala kami, pero kailangan ko pa din ng tulong mo. Heto ang calling card ko, gusto kong i-send po sa akin ang lahat ng impormasyon na makukuha mo tungkol sa kanya, at after non we can cut ties na, as if hindi tayo nagkakilala o nagkita." Ang sabi ni Berny at kanyang kinuha ang kamay ni Xenon at inilagay doon ang calling card niya.
"Anong akala mo sa akin utusan mo?" ang inis na tanong ni Xenon.
"Xenon, sa ating dalawa ako ang may alam ng sikreto mo, at sa ating dalawa mas kakailanganin mo ako para mawala sa landas mo ang kapatid mo? Kaya naman naniniwala akong hinding hindi mo tatanggihan ang pabor ko na tulungan mo ako." ang sabi ni Berny na nakangisi, pagkatapos ay naglakad pabalik sa kanyang sasakyan, at agad na sumakay dito at umalis nang walang paalam.
![](https://img.wattpad.com/cover/36825055-288-k801525.jpg)
BINABASA MO ANG
Triple X
Ficción General[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...