"Paano sister Therese at sister Karen, sa inyo ko na ipagkakatiwala ang pag-aasikaso sa mga bagong miyembro ng ating pamilya, kayo na din ang bahala na maglibot sa kanila sa buong bahay ampunan para maging pamilyar na din sila sa mga pasikot-sikot dito, at gayun din inaasahan ko na din na kayo na ang magsabi sa kanila ng mga patakaran natin dito." Ang sabi ni mother superior na kung titignan ay masaya siyang malaman na madadagdagan ang mga bata na kanilang makakasama sa ampunan dahil sa ngiti nito at sa mga mata nitong nagpapakita ng kagalakan.
"Opo mother superior, makakaasa po kayo na gagawin namin ang inyong mga sinabi." Ang sabay namang pagtugon nila sister Therese at sister Karen.
"Kayo naman, Xian, Xenon, at Xavier, huwag kayong magdadalawang isip na lumapit sa akin kung may nais kayong sabihin o kung nangangailangan kayo ng kausap o tagapagpayo, dito sa bahay ampunan na ito ay masisiguro ko na mararamdaman niyo na isang pamilya tayo." Ang sabi naman ni mother superior sa magkakapatid.
"Salamat po mother superior, pangako po na magiging mababait kaming magkakapatid at tutulong din po kami sa mga gawain kung kinakailangan." Ang sabi ni Xian bilang pagtugon.
"Promise mother superior, magiging good boy po ako, si kuya Xian, at si kuya Xenon." Ang paniniguradong sabi ni Xavier at di naiwasang mapangiti sa kanya ng mga kasama niya sa loob ng opisinang iyon.
"Sa tingin ko mga sister magiging masaya ang bahay ampunan natin dahil sa bibong bibong bata na dumating sa atin." Ang sabi ni mother superior na ang pinatutungkulan ay si Xavier.
"Sa tingin ko nga po mother superior." Ang masaya namang tugon ni sister Therese.
"Oh siya sige na, mabuti pa ay mag-umpisa na kayo, at makakabuti kung dadalhin niyo na muna sila sa magiging silid nila." Ang sabi ni mother superior.
"Ah mawalang galang na po mother superior." Ang sabi ni Arthur bilang pagsabad na kanina pang nakikinig sa kanila at nakaupo sa isang upuan malapit sa pintuan ng opisinang iyon, agad na ibinaling ni mother superior ang kanyang atensiyon sa kanya at maging ang dalawa pang madre at ang magkakapatid ay tumingin na din sa kanya.
"Ano 'yon Arthur? May nais ka bang sabihin?" ang tanong ni mother superior kay Arthur na tila biglang nag-alinlangan sa kung sasabihin niya nga ba ang dahilan ng kanyang pagsabad sa usapan ng mga ito.
"Ah kasi po mother superior, gusto ko lamang po kasi itanong at sabihin kung... kung..." ang hindi matuloy tuloy na sasabihin ni Arthur.
"Sige na Arthur ijo, huwag ka nang mahiya pa, sabihin mo ang nais mong sabihin at itanong sa akin." Ang malumanay at nakangiti namang sabi ni mother superior upang kumbinsihin si Arthur na magpatuloy sa nais nitong itanong at sabihin.
"Kasi po mother superior, sa silid kung saan ako natutulog, ah, paano ko ba 'to sasabihin... ang gusto ko pong sabihin ay maaari po ba na magtabi na lamang kami ni Xavier sa kama ko? Masiyado po kasing malaki para sa akin yung kama ko kaya naman gusto ko po sana na may makatabi ako, nasanay po kasi ako na katabi kong matulog sila mama at papa noon." Ang sabi ni Arthur na mababanaag sa mukha nito ang tila pamumula ng mga pisngi nito dahil sa bahagyang hiya na nararamdaman.

BINABASA MO ANG
Triple X
General Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...