10th X

2.5K 100 3
                                    


Dahil sa pagtatagpo nila Arthur at Hans noong araw na iyon ay halos ang mukha na lamang ng taong mula sa kanyang nakaraan ang kanyang naiisip, dahil din doon ay sa halip na bumalik sa kompanya na pagmamay-ari din ng kanyang kinalakihan nang ina na si Mrs. Marquez ay nagpasya si Arthur na manatili na lang muna sa bahay. Nasa kusina siya noon at nakapangalumbaba habang nakatitig sa basket ng mga gulay na inilagay niya sa mesa.


"Hindi ako maaaring magkamali, kamukhang kamukha niya talaga siya." Ang sabi ni Arthur na tila kinakausap ang basket ng mga gulay sa kanyang harapan.


Napabuntong hininga siya at umayos ng upo ngunit nanatili siyang nakatingin sa basket ng mga gulay. "Pero imposible pa din, kasi ni hindi niya nga ako nakilala, alam ko gumwapo ako lalo pero kung siya yun kahit gaano pa katagal makikilala niya ako kung siya 'yon." Ang muling pagsasalita niyang mag-isa. "Tama hindi siya 'yon, tama Arthur hindi siya 'yon, malabo na maging siya 'yon kamukha lang niya 'yon, oo tama." Ang dagdag pa niyang sabi na tila kinukumbinsi ang kanyang sarili upang tigilan na ang pag-iisip ng labis.


At upang maalis ng tuluyan sa kanyang isip ang mukha ng taong kanyang iniisip, ay tumayo si Arthur mula sa kanyang pagkakaupo at kinuha niya ang basket ng mga gulay, at isa-isa niya itong nilagay sa loob ng refrigerator, upang mapanatili ang pagkasariwa nito, hanggang sa madampot niya mula sa basket ang isang patatas, napatitig si Arthur sa hawak niyang patatas at muling nagbalik sa kanyang isip ang mukha ng taong iyon, ang panahon na kasama niya ito sa kusina, naalala niya ang mga mata nito at ngiti, ang inosente nitong mukha, unti-unti ay nakaramdam siya ng pangungulila, napaupo na lamang siya sa tapat ng refrigerator at napadukduk sa kanyang mga tuhod at tuluyan nang pinakawalan ang kanyang mga luha.


Nang gabing iyon ay dumating na si Mrs. Marquez at agad naman siyang sinalubong ni Arthur, sa pagpasok ni Mrs. Marquez ay humalik si Arthur sa pingin nito at ganon din si Mrs. Marquez sa kanya. "May kasalanan ka sa akin Arthur ha, hindi mo man lang ako inabisuhan na hindi ka na pala makakabalik pa sa kompanya. Ano bang nangyari?" ang tanong ni Mrs. Marquez sa kanya.


"Ah pasensiya na mommy, sinamaan po kasi ako ng pakiramdam kanina, gusto ko nga po sanang bumalik kaso baka naman kapag nagmaneho ako ng masama pakiramdam ko ay madisgrasya naman po ako." ang sabi ni Arthur bilang pagdadahilan ng nakangiti.


"Arthur, sa akin ka na lumaki kaya naman kabisado na kita, tiyaka kung talagang sumama pakiramdam mo ay tatawag ka sa kompanya, o di naman kaya ay magpapasundo ka sa mga driver natin don." Ang sabi ni Mrs. Marquez na nangingiti din dahil alam niyang nagdadahilan lamang ang kinilala niyang anak, napangiti muli si Arthur at napakamot ng kanyang ulo.


"Si mommy talaga wala akong kawala. Opo tama po kayo hindi po talaga sumama pakiramdam ko, tinamad lang po talaga ako na bumalik. Tsaka naisipan ko po kasi na hindi ba po ay kakaalis lang ni yaya Lidia para umuwi sa probinsiya nila? Kaya naman naisip ko na huwag nang pumasok at ako na ang magluto ng hapunan natin, at specialty ko pa ang niluto ko, ang nilaga ala Arthur." Ang nakangiti at pagmamayabang na sabi ni Arthur habang nakatingin sa mata ni Mrs. Marquez na tuwang tuwa sa kanya.


"Siya nga ba ikaw ang nagluto? Naku mukhang bigla akong nagutom ah." Ang masayang sabi ni Mrs. Marquez.


"Oo naman po, kaya mahal kong mommy tayo na po at maghapunan." Ang sabi ni Arthur at kanyang ipinorma na ang kanyang braso para makapitan ng kanyang mommy, at natatawang kumapit sa kanya si Mrs. Marquez at sabay silang naglakad patungo sa kusina.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon