5th X

3.6K 115 10
                                    


Sa paglipas ng mga araw, buwan, at taon naging malapit ang magkakapatid kay Arthur at naging masaya sila sa mga panahon na kasama nila ito at ang iba pang mga bata at madre sa bahay ampunan na iyon, ngunit ang higit na mas naging malapit naman sa puso ni Arthur ay walang iba kundi ang kaisa-isang bata na lagi niyang nakakatabi sa pagtulog, ang batang simula pa lang ng dumating ng bahay ampunan na iyon at makilala ay nakapukaw na agad sa kanyang atensiyon, si Xavier.


Ngunit lingid sa kaalaman nila Arthur at Xavier, sa kabila ng kanilang pagiging malapit sa isa't isa ay may isang tao na malapit din sa kanila ang labis na nakakaramdam ng inis sa tuwing makikita silang, masaya at magkasama, si Xenon, pilit niyang ikinukubli ang kanyang inis sa bunsong kapatid, lalo na sa tuwing kasama niya ang mga ito at ang kanyang kuya Xian na alam niyang mas papaboran ang kanilang bunsong kapatid, at ang ideya ding iyon ang mas tila nagpalala sa selos at inis na nararamdaman ni Xenon para sa bunsong kapatid, pakiramdam niya ay mag-isa lamang siya, pakiramdam niya na lahat ng dapat ay sa kanya ay inaagaw ng bunsong kapatid, kaya naman sa bawat paglipas ng mga panahon ay mas lalong nagiging matindi ang selos at inis nito, na siyang naglalayo at sumisira sa dati noong maganda niyang pakikitungo sa bunsong kapatid.


Araw iyon ng Pasko, nasa edad na labing lima na noon sila Arthur at Xian, labing apat naman na noon si Xenon at labing isa naman noon si Xavier, noong umaga ng araw na iyon ay abala ang buong bahay ampunan mula sa mga madre at mga bata sa pagdaraos ng isang kasiyahan, habang nagkakasiyahan ang lahat ay abala naman sa isang bahagi ng bahay ampunan na di gaanong pinupuntahan ng mga kabataan at ng mga madre si Arthur sa pag-aayos ng tila isang sorpresa, mula sa dekorasyong pampasko na kanyang kinuha sa stock room ng ampunan ay kanyang inayos ang paligid, sinabitan niya ng mga Chritsmas balls ang mga halaman at mababang sanga ng puno, at sinaboy niya sa buong paligid ang mga talulot ng mga bulaklak na kanyang pinitas sa hardin ng bahay ampunan, pagkatapos noon ay kumuha siya ng mga garapon at nilagyan niya ang bawat isa ng mga kandila na karaniwang nilalagay sa mga candelabra sa altar sa kapilya, nang matapos sa kanyang ginagawa ay isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang pinupunasan niya ang pawis nito sa noo, at ikinubli niya sa likod ng isang puno ang isang gitara bilang huling bahagi ng kanyang paghahanda sa lugar na iyon.


"Sana magustuhan niya ang ginawa kong ito." Ang nakangiting sabi ni Arthur na ang kinakausap ay ang kanyang sarili habang iniisip ang taong pag-aalayan niya ng ginawa niyang iyon.


Nang masiguro niya na ayos na ang lahat ay nagpasya na si Arthur na puntahan ang iba at sumama sa kasiyahan, agad niyang hinanap ang magkakapatid at hindi naman siya nabigo, agad siyang tumabi kay Xavier at inakbayan niya ito na agad namang napatingin sa kanya dahil sa pagkabigla, nginitian ni Arthur si Xavier at gumanti naman ng ngiti si Xavier sa kanya, nakita iyon ni Xenon kaya naman ang saya na kanina lamang na nararamdaman niya sa kasiyahang iyon ay tila napalitan agad ng inis.


"Xenon ayos ka lang ba?" ang agad na tanong ni Xian kay Xenon nang mapansin nito na nabura ang ngiti ng kapatid, at nadinig naman nila Arthur at Xavier ang tanong na ito ni Xian kaya naman napatingin ang dalawa kay Xenon, dahilan para bahagyang makaramdam ng pagkataranta si Xenon.


"Ah oo kuya ayos lang ako, medyo nakaramdam kasi ako ng hilo." Ang sabi naman ni Xenon bilang pagsisinungaling at isang pilit na ngiti ang sumunod niyang ibingay, nang madinig naman iyon nila Xian ay agad na nag-alala ang mga ito para sa kanya.


"Kuya, ayos ka lang ba? Mabuti pa kaya sabihin natin kila sister Tere na nahihilo ka, baka mamaya ay kung mapano ka pa." ang sabi ni Xavier bilang suhestiyon at pag-aalala sa kapatid.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon