Sa loob ng isang silid sa ospital kung saan isinugod si Hans ay nananatili itong walang malay. Hawak-hawak noon ang kanyang kamay ni Arthur, na may mga ilang beses na hinagkan. Bakas sa ekspresyon ng mukha ni Arthur ang pag-aalala para kay Hans, bukod sa wala itong malay ay tila alam na niya ang sinapit nila aling Josie at mang Ricardo sa tono pa lamang ng boses ni Denver noong tawagan siya nito, muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa mukha ni Hans.
"Patawad Xavier, patawadin mo ako. Kung hindi lang siguro kita kinulit na sumama sa akin, siguro ay kasama mo ang mga magulang na kinikilala mo ngayon at nagawa mong mailigtas sila." Ang may lungkot na sabi bilang paninisi ni Arthur sa kanyang sarili, at hindi niya napigilan ang mapaluha nang makita niya ang mga luha na kumawala sa mga nananatiling nakapikit na mga mata ni Hans. Pinahid niya ang mga luha ni Hans kasunod noon ay ang paghaplos niya sa ulo nito.
"Gumising ka na, Xavier, gumising ka na Xavier, gagawin ko ang lahat para makabawi sayo. Pangako na hindi kita pababayaan, pipilitin ko na ipadama din sayo ang pagmamahal na nawala dahil sa pagkawala nila aling Josie at mang Ricardo. Pakiusap Xavier gumising ka na." hanggang sa biglang iminulat ni Hans ang kanyang mata, tumingin siya sa mga mata ni Arthur noon na may bakas pa ng pagluha nito.
"Nagising ka na, salamat sa Diyos!" sabay yakap ng mahigpit ni Arthur dito ngunit nabigla siya ng maramdaman niya ang tila pagtulak sa kanya nito.
"Umalis ka dito. Iwanan mo ako." ang seryoso at malamig na sabi ni Hans kay Arthur na iniwas na niya ang tingin dito.
"Pero bakit? Bakit mo ako pinapaalis? May nararamdaman ka ba? Gusto mo bang tumawag ako ng doktor?" ang mga tanong ni Arthur na may pagtataka at pag-aalala sa tila malamig na pakikitungo ni Hans sa kanya.
"Iwanan mo ako. Hindi mo ba ako nadidinig? Umalis ka dito!" ang malakas na sabi ni Hans na umalingawngaw sa buong silid, at labis na ikinabigla iyon ni Arthur, dahil noon niya lamang nadinig si Hans na nagtaas ng boses at bukod doon ay mababakas sa mga mata nito ang tila inis at lungkot, kasunod noon ay ang pagkawala ng mga luha nito.
"Ano bang nangyayari sayo? Hindi kita iiwan, mahal kita kaya hindi kita iiwan." Ang sabi ni Arthur na hinawakan ang kamay ni Hans na agad namang binawi ni Hans. "Bakit?" ang may lungkot na tanong nito.
"Mahal mo ko? Hindi Arthur hindi mo ko mahal. Si Xavier ang mahal mo. Minahal mo ako hindi dahil mahal mo ako, minahal mo ako para lang may pagbalingan ka ng pagmamahal mo sa kanya. Nadinig ko Arthur ang pagtawag mo sa akin sa pangalan niya bago ako magising, kaya iwanan mo na ako. Umalis ka na!" ang may pait at sakit nabi ni Hans habang patuloy sa kanyang pagluha.
"Hindi mo naiintindihan, mahal kita hindi dahil kamukha mo siya. Mahal kita dahil ikaw siya, dahil ikaw ay ikaw. Alam ko 'yon at alam ko na naguguluhan ka lamang."
"Wala na akong kailangan pang intindihin pa Arthur, wala na. Kaya pakiusap lang Arthur, iwanan mo na lamang ako. Umalis ka na pakiusap." Ang pagpupumilit ni Hans, at wala nang nagawa pa si Arthur, kundi tumayo mula sa kanyang pagkakaupo na tila ba nawalang ng lakas. Binigyan niya ng isang pilit na ngiti si Hans na hindi nakatingin sa kanya.
"Patawadin mo ako, pero hihintayin ko pa din na maging kalmado ka na. Alam ko na naguguluhan ka pa lang sa ngayon. Siya nga pala papunta na si Denver dito, at pakiusap lang hayaan mo siya na mabantayan ka niya." Ang sabi ni Arthur ngunit walang naging pagtugon sa kanya si Hans, kaya naman malungkot siyang lumabas ng silid na iyon, bago tuluyang iwan sa silid si Hans ay nilingon pa niya si Hans na hindi din nagawang tignan ang direksiyon niya, kaya naman marahan na niyang isinara ang pinto pagkalabas nito.
BINABASA MO ANG
Triple X
Ficción General[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...