8th X

2.2K 99 6
                                    


Walang kaalam-alam si Xenon sa kapahamakan na naidulot ng pag-iwan niya kay Xavier sa bundok na iyon, ang alam niya lamang ay pansamantala niyang maililigaw na parang pusa ang kanyang kapatid kaya naman kampante at payapa pa din itong naglakad pabalik sa ampunan. Sa kanyang pagdating sa ampunan ay nagulat siya nang bigla na lamang siyang salubungin nila Xavier at Arthur.


"Xenon, san ka ba nanggaling ha? Kanina pa namin kayo hinahanap, si Xavier kasama mo bang lumabas ng ampunan?" ang agad na pagtatanong sa kanya ng kanyang kuya na halata ang pag-aalala sa kanila.


"Pa-pa-pasensiya na kuya, gusto ko lang kasi talaga maglakad-lakad kaya naisipan ko lumabas ng bahay ampunan muna." Ang tugon ni Xenon sa kanyang kuya na tila ba isang maamong tupa.


"Eh si Xavier? Hindi mo ba kasama o nakita man lang?" ang tanong sa kanya ni Arthur, nakita ni Xenon sa mga mata at reaksiyon ng mukha ni Arthur ang pag-aalala nito para sa bunsong kapatid kaya naman bahagya itong nakaramdam ng inis ngunit pilit niyang hindi ito ipinahalata.


"Si Xavier? Hindi eh, kanina nakita ko siya sa palaruan bago ako lumabas ng ampunan, nagtataka nga ako bakit mag-isa lang siya, tiyaka bakit ko naman siya isasama? Alam niyo naman di ba na may tampo ako sa kanya?" ang sabi ni Xenon bilang tugon at pagdadahilan upang hindi na siya usisain pa ng dalawa tungkol kay Xavier.


"Pano ba 'to? Sabi kasi ni sister Therese, pinapatawag tayong tatlo sa opisina ni Mother Superior, at kailangan daw pumunta tayong tatlo doon. Sabi ko tatawagin ko lang kayo pero kanina pa kami naghahanap sa inyo, at heto nga nandito ka na, pero wala pa yung bunso natin." Ang sabi ni Xian na nag-aalala at tila nakakaramdam ng kaba sa dibdib.


"Pero Xenon, sigurado ka bang hindi mo kasamang lumabas si Xavier?" ang pagtatanong muli ni Arthur kay Xenon na para bang nagdududa ito kay Xenon. Napatingin agad si Xenon kay Arthur at nakita niya na may pagdududa ito sa kanya, kaya naman bago pa siya mabisto ay naisipan na niya itong unahan ng galit.


"Bakit ba ang kulit mo? At sa tingin mo iiwanan ko si Xavier sa labas kung kasama ko man siya? Arthur oo may tampo ako sa kapatid ko pero hindi ko naman maaatim na isama siya sa labas ng bahay ampunan para lang iwanan sa labas. At tsaka di ba kayo nga ni kuya ang madalas niyang kasama at ako ang madalas niyong iwanan na mag-isa?" ang paggagalit-galitan ni Xenon.


"Hindi naman sag anon Xenon, nag-aalala lang talaga kasi kami. Bukod don mukhang mahalaga din ang sasabihin sa inyong tatlo." Ang sabi ni Arthur na tinablan ng pag-arte ni Xenon.


"Pero bakit nga ba tayo pinapapunta kuya sa opisina ni Mother Superior?" ang pagtatanong ni Xenon na para bang walang nalalaman sa nangyayari.


"Ang totoo niyan kasi ay hindi ko..." ang hindi na natuloy pang sabihin ni Xian dahil sa sumabad sa usapan nila ang Madre Superyora na kasama ang mag-asawa at sila Sister Therese.


"Ang totoong dahilan kaya namin pinapatawag kayong magkakapatid sa opisina ko ay para sana sabihin sa inyo na nakapagpasya na sila Helen at Fernando, na siyang mga bisita natin ngayon dito na ampunin na kayong magkakapatid." Ang nakangiting sabi ni Madre Superyora.


"Ampunin po? Sila aampunin na po?" ang gulat na sabi ni Arthur nang madinig ang sinabing iyon ng Madre Superyora.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon