22nd X

1.9K 75 5
                                    


Sa pagbitaw nila Arthur at Hans sa pagkakayakap at paghalik sa isa't isa ay pareho nilang binigyan ng matatamis na ngiti ang bawat isa, itinaas ni Arthur ang kanya mga kamao na nakatikom pa din magpahanggang sa mga oras na iyon, at sa pagbukas ng kanyang mga kamay ay siya ding pagbagsak sa kaliwa't kanan na kamay ni Arthur ang dalawang kwintas, ang isa'y may pendant na bilog na kulay asul na para bang maliit na planeta, habang ang isa naman ay may pendant na tila singsing na tulad ng sa mga planeta. Napatulala na lamang si Hans nang lumapit sa kanya si Arthur. Sandaling pinahawakan ni Arthur kay Hans ang kwintas na may pendant ng planet ring, at pagkatapos halos payakap niyang isinuot dito ang kwintas na tila isang maliit na asul na planeta.


"Ayan tapos na. Bagay sa'yo." Ang sabi ni Arthur at kasunod noon ay isang malapad na ngiti, at hindi niya maalis ang tingin sa mga mata ni Hans. Nang mga sandaling iyon ay hindi na din magawang maitago ni Hans ang kilig na nararamdaman, para sa kanya bago lamang ang mga nangyayaring iyon ngunit nagugustuhan niya iyon.


Napatingin si Hans sa hawak na kwintas, at walang pasabi ay payakap din niyang isinuot it okay Arthur kahit na medyo hirap siya dahil na din mas matangkad sa kanya ito. Si Arthur naman ay di naiwasang mag-init ang kanyang mga pisngi dahil di niya inaasahan na isusuot sa kanya ni Hans ang kwintas nang hindi niya sinasabi.


"Bagay din sa'yo ang kwintas." Ang nakangiting sabi ni Hans kay Arthur nang matapos na nitong isuot dito ang kwintas, napayuko at napahawak sa kanyang batok si Arthur, hudyat na nakakaramdam ito ng kaunting hiya at kilig kay Hans. At nang makabawi ay muli niyang tinignan si Hans, hinila niya ito sa mga kamay nito palapit sa kanya.


"Alam mob a kung anong sinisimbulo nito? Pinasadya ko pa itong ipagawa. Matagal na din ang hinintay ng mga kwintas na ito, matagal na panahon na din akong umasa na maiibibigay ko ito sa taong mamahalin ko." Ang sabi ni Arthur na may paglalambing, habang si Hans naman ay nakatingin lamang sa mga sinserong mata ni Arthur ng tahimik at hinihintay ang bawat salitang sasambitin nito.


Hinawakan ni Arthur ang pendant ng kwintas na noo'y suot ni Hans at kanya ding hinawakan ang pendant ng kwintas na kanya ding suot. "Ang mga kwintas na ito ay aking ipinasadya dahil gusto ko na natatangi ito, ang asul na bilog na ito ay sumisimbulo sa mundo, at simula sa araw na ito Hans ikaw na ang magiging mundo ko." Ang sabi ni Arthur at halos matigilan si Hans nang madinig nito si Arthur, hindi siya makapaniwala na ang taong inaakala niya noon na tanging yabang, angas, at pagkapasaway lamang ang alam na gawin ay may itinatagong lambing at pagiging romantiko na katangian.


"Habang ang pendant ko naman na ito ay sumisimbulo sa ring ng isang planeta, tulad nito ako ang ring na yayakap sa'yo, ako ang ring na poprotekta sa'yo. Ikaw ang buhay ko, at ako ang tagapagtanggol mo. Maaaring ngayon nabibigla ka pa sa mga sinasabi ko ngunit alam ko na isang araw mauunawaan mo din na ikaw at ako ay itinakda talaga." Ang sabi ni Arthur at kanyang ipinakita kay Hans ang itsura ng dalawang pendant sa nang pagkabitin na niya ito.


"Tulad ng mga kwintas na ito Hans, para tayo sa isa't isa." Ang sabi ni Arthur at nakangiting tumango sa kanya si Hans.


"Naniniwala ako Arthur, naniniwala ako. Siguro nga hindi ko pa alam ang mga dapat kong sabihin sa ngayon, siguro nga bago lamang sa akin ang lahat ng ito, pero naniniwala ako sa mga sinasabi mo, nakikita ko ang sinseridad mo sa mga mata mo, kaya naman ipagkakatiwala ko sa'yo ang puso ko." Ang sabi ni Hans na naluluha pa dahil sa labis na kasiyahan, at muli niyang niyakap ng mahigpit si Arthur at niyakap din siya ni Arthur ng ubod higpit na tila hindi na nila pa gustong pakawalan ang bawat isa.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon