PROLOGUE

7.7K 182 6
                                    


"Oh mga anak, tingin kayo sa camera, pi-picture-an kayo ni daddy!" ang masayang sabi ni ginoong Julio Quintana sa tatlo nitong makikisig na anak na tuwang tuwa na naglalaro sa buhanginan at nagtatayo ng kastilyong buhangin sa beach na kanilang kinaroroonan para sa isang bakasyon ng buo nilang pamilya. Tumugon naman ang tatlong bata sa sinabi ng ama at nagdikit-dikit ang mga ito at inakbayan nila ang isa't isa at ngumiti sila na siyang magpapahiwatig kung gaano sila kasaya.


"Oh daddy ako naman ang kukuha sa inyo ng picture ni mommy." Ang masiglang sabi ni Xian Quintana, ang nakatatanda sa tatlong magkakapatid. Patakbo itong lumapit sa kanyang ama at iniwang ang dalawa nitong kapatid sa ginagawa nilang kastilyong buhangin.


"Ah gusto ko din na kuhanan sila mommy at daddy ng picture kuya, pwede bang ako na lang ang magpicture sa kanila? Daddy ako na lang magpi-picture sa inyo, sige na daddy, please!" ang nakanguso pang pakikiusap ni Xenon Quintana, ang ikalawa sa magkakapatid na agad na sumunod kay Xian na lumapit sa kanilang ama.


"Hindi pwede ako ang nauna na makaisip na kuhanan sila mommy at daddy ng picture." Ang napapanguso din na sabi ni Xian bilang pagtutol sa nais ni Xenon na maunahan siya sa gusto niyang gawin.


"Daddy oh! Si kuya, ayaw pa ako pagbigyan." Ang pagsusumbong ni Xenon sa daddy nila na tuwang tuwa pa na pagmasdan ang dalawang magkapatid na nag-aagawan sa kung sino ang magpipicture sa kanila.


"Ha-ha-ha kayo talagang dalawa, huwag na nga kayong magtalo diyan pwede niyo naman na litratuhan kami ng mommy niyo pareho eh." Ang sabi naman ng kanilang daddy na hindi pa din nawawala ang ngiti at saya sa kanyang mukha. "Tignan niyo yung kapatid niyong si Xavier masaya lang at seryoso pa din sa paggawa ng sand castle na kanina lang ay kayong tatlo pa na gumagawa." Ang dugtong pa nito at napatingin sila Xian at Xenon sa kanilang bunsong kapatid na si Xavier Quintana, nakangiti ito habang inaayos ng mabuti ang sand castle na pinaghihirapan nilang tatlo na gawin, hindi maiwasan ng dalawang nakatatanda dito na mangiti sa tuwing nakikita nila ito na parang sumisimangot sa tuwing di niya nagugustuhan ang nilalagay nitong mga kabibe bilang dekorasyon sa kastilyong buhangin.


Nagkatinginan ang magkapatid na Xian at Xenon at napangisi ang mga ito, kasunod noon ay magkasabay nilang binulungan ang kanilang ama, habang binubulungan naman nila ang kanilang ama ay napapatango naman at nakangiti din na tila ba sumasang-ayon si Ginoong Julio sa kung ano man ang ibinubulong ng kanyang dalawang anak sa kanya.


Pagkatapos nilang bulungan ang ama ay dali-dali naman na tumakbo patungo kay ginang Lauren Quintana, ang kanilang ina na kasalukuyang naghahanda ng kanilang kakainin at masaya lamang noong pinagmamasdan ang mag-aama.


"Oh teka hindi pa ako tapos maghain bakit tumakbo na agad kayo dito?" ang sabi at pagtatanong ni ginang Lauren sa kanyang dalawang anak.


"Hindi naman po kami lumapit dito para kumain mommy, may naisip lang po kasi kami nitong si Xenon." Ang nakangiting sabi ni Xian sa kanyang ina.


"Oo nga po mommy, at heto po ang naisip namin ni kuya." Ang sabi ni Xenon at lumapit siya sa kanyang upang bulungan din ito, matapos na ibulong ni Xenon sa ina ang ideya nilang dalawa ng kanyang kuya ay tumingin sa kanilang dalawa si ginang Lauren at nginitian niya ang mga ito.

Triple XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon