Dahil na din sa bigat at bagal ng usad ng trapiko noong araw na iyon ay mahigit isang oras ang itinagal ng biyahe nila Denver at Hans, kaya naman nang makarating na sila sa restaurant ay wala nang sinayang pa na oras si Hans, agad na siyang nagpasalamat kay Denver at pagkatapos ay tinungo na niya ang locker area ng mga staff upang magpalit ng kanyang uniporme.
"Kamusta ang restaurant Roma habang wala ako?" ang tanong ni Denver kay Roma na nasa counter noong mga sandaling iyon.
"Ayos naman sir Denver, medyo madaming tao pero kinaya naman namin, pero mabuti na lang at hindi din kayo nakarating agad sir dito." Ang sabi ni Roma bilang sagot at nagtaka naman si Denver kung bakit nasabi ni Roma na mabuting hindi agad sila nakarating agad sa restaurant.
"Bakit Roma, may nangyari ba dito habang wala ako dito para sunduin si Hans?" ang usisa ni Denver.
"Opo sir, tanda niyo po yung lalaki na bigla na lang niyakap si Hans at tinatawag na Xavier? Bumalik po siya dito at mukhang hinahanap si Hans, hindi po siya nagtanong sa amin pero pansin naman namin ang paglinga-linga niya na halatang may hinahanap." Ang sabi ni Roma bilang paglalahad ng nangyari.
"Ganon ba, mukhang tama ka nga nakabuti ang pagkahuli namin." Ang naging tugon naman ni Denver pero sa loob-loob niya ay kanyang iniisip kung sino ba talaga ang lalaking iyon at bakit parang napakahalaga dito yung yung taong kamukha ni Hans na nagngangalang Xavier, sa sobrang pagpapahalaga nito ay mukhang balak pang maging stalker ni Hans ang lalaki.
"Sir ayos lang kayo?" ang tanong ni Roma nang mapansin nito na natahimik si Denver at tila malalim ang iniisip.
"Ah oo ayos lang ako Roma, kung dumating man dito ulit yung lalaki at nagkataong nasa lobby si Hans palitan niyo na lang agad siya sa gawain muna, mahirap nab aka masamang tao 'yung lalaking 'yon. At agad niyo din akong puntahan sa opisina ko at i-inform ako. Malinaw ba?" ang pagbibilin ni Denver kay Roma.
"Malinaw sir, ako na pong magsasabi sa iba naming kasamahan." Ang nangingiti at tila kinikilig na sabi ni Roma.
"Oh bakit naman para kang naiihi na di mawari diyan sa ngiti mong 'yan?" ang tanong ni Denver nang mapansin ang kakaibang ekspresyon na iyon ni Roma.
"Ah wala po sir, basta kahit anong mangyari sir nasa likod niyo lang ako ni Hans." Ang sabi ni Roma na pilit tinatago ang pagkakilig na nadarama para sa kanyang among at kaibigan. "Ay sir paano maiwan ko po muna kayo ha, may customer lang po tayo." Ang pagpapaalam ni Roma na nakangiti na halos abot tainga na at agad na tinungo ang table ng pumasok na customer. Napatingin si Denver sa direksiyon ng empleyado at napailing na lamang siya pero hindi din niya naiwasang mapangiti dahil masaya siyang malaman na kung sakaling matuloy ang plano niyang ligawan si Hans ay may kaibigan si Hans na suportado siya.
Nang mga sandali namang iyon ay pumunta si Xenon sa lugar kung saan makikita ang dati nilang tahanan, ang tahanan na magpahanggang sa mga sandaling iyon ay kanyang pinangungulilaan, ang kanyang mga magulang, at ang mga masasayang alaala bago ang trahedya, bago sila iminulat ng buhay sa totoong kulay ng mundo na kinaroroonan nila. Wala halos pinagbago ang lugar, makikita pa din ang guho ng kanilang tahanan na tinupok ng apoy, ang tanging pinagbago lamang ay ang mga ligaw na halaman na dito ngayon nagsisilbing naninirahan na.

BINABASA MO ANG
Triple X
General Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...