"Mommy, daddy... mami-miss namin kayo... sorry kung di ko na kayo nagawang mailigtas..." ang sabi ni Xian na may pagsisi pa din sa kanyang sarili habang lumuluha sa harap ng puntod ng mga magulang na kakalibing lamang din noong araw na iyon. Kasama niya ang kanyang kapatid na tulad niya ay nagdadalamhati pa din sa pagkawala ng kanilang mga pinakamamahal na magulang, lalo na ang pinakabunso sa kanila na si Xavier na simula pa lamang noong lamay ng mga ito ay hindi na nila makausap at halos wala nang imik.
"Kuya, huwag mong sisihin ang sarili mo, alam nila mommy at daddy na di mo ginusto ang nangyari, at walang may gusto." Ang sabi ni Xenon upang palakasin ang loob ng nakatatandang kapatid. Tumingin sa kanya si Xian at pilit na ngumiti.
"Mommy, daddy..." ang pagtawag ni Xavier sa mga magulang nito, nang madinig nila Xian at Xenon ang malungkot na tinig ng kanilang bunsong kapatid ay wala na silang nagawa kundi ang yakapin na lamang ito, dahil alam nila na sa kanilang magkakapatid ay ito ang pinakalabis na mangungulila sa mga magulang.
Nang tumahan na sa pag-iyak si Xavier ay muling hinarap ni Xian ang puntod kanyang mga magulang, lumuhod ito sa harap nito at hinalikan ang lapida ng mga ito. "Mommy, daddy, gabayan niyo po ako sa pag-aaruga sa aking mga kapatid at huwag niyo po kaming pababayaan. Pangako ko po na hindi ko sila pababayaan." Ang pabulong na sabi ni Xian bilang pangako sa mga yumaong magulang.
Sa kanilang pag-alis sa sementeryo kung saan inilibing ang kanilang mga magulang ay nagpasya silang bumalik sa nasunog nilang bahay, napabuntong hininga na lamang si Xian habang pinagmamasdan ang noo'y maganda nilang tirahan na ngayon tanging mga sunog na kagamitan at haligi ang naiwan, hindi alam ni Xian paano sila magsisimulang magkakapatid, hindi na din sila makakabalik pa sa eskwela kahit naisin man nila, wala din silang pera upang ipambili ng makakain kaya naman tila ang pag-asa na lamang at ang pag-aalala para sa mga kapatid ang nagpapatindig sa kanya. Sinimulang suyurin ng magkakapatid ang nasunog nilang tahanan upang humanap ng mga maaaring ipagbili sa junkshop at ang mapagbibilhan nito ay kanila namang ipambibili ng pagkain.
"Kuya heto ba pwede nating ibenta sa junkshop?" ang tanong ni Xenon habang hawak niya ang isang piraso ng bakal na nagmula sa gumuhong haligi ng bahay nila.
"Oo Xenon, maibebenta natin 'yan." Ang sabi ni Xian bilang tugon at nagpatuloy siya sa paghahanap ng mga maaari pang maibenta.
"Mommy, daddy..." ang sabi ni Xavier na malayo sa kinaroroonan ng dalawang nakatatandang kapatid, kasalukuyan siyang naghahanap ng maibebenta ngunit di tulad ng kanyang mga kuya ay tila wala pa din sa kanyang sarili si Xavier, bakas ang kalungkutan sa mata ng bata, nang mga sandaling iyon ay bigla na lamang siyang bumagsak at sakto namang napalingon sa kanyang kinaroroonan si Xian.
"Xavier!" ang sigaw ni Xian dahil sa pagkabigla nang makita niya ang pagbagsak ng bunsong kapatid, mabilis na tumakbo palapit sa kanilang bunsong kapatid sina Xian at Xenon, binuhat ni Xian ang bunsong kapatid. "Xavier, bunso? Gumising ka! Xavier?" ang nag-aalalang pagtawag ni Xian sa bunsong kapatid na paulit-ulit na tinatawag ang mommy at daddy nila.
Inilapat ni Xenon ang kanyang kamay sa noo ng bunsong kapatid. "Kuya ang taas ng lagnat ni Xavier, kuya dalhin na natin siya sa ospital." Ang sabi ni Xenon na labis nang nangamba para sa kalagayan ng kanilang bunsong kapatid. Agad na tumayo si Xian habang buhat si Xavier at nagmamadali sila ni Xenon na umalis sa nasunog nilang bahay upang isugod sa ospital si Xavier na tila nagdedelihiryo na nang mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
Triple X
Fiksi Umum[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...
