Katatapos lamang noon ni Hans sa kanyang duty, madilim na din noong sandaling iyon nang lumabas siya sa restaurant na kanyang pinapapasukan. Inaayos niya noon ang kanyang gamit sa kanyang bag nang mapatingin siya sa taong nakatayo sa labas ng sasakyan nito, nakangiti sa kanya at nakasandal sa kanyang sasakyan. Hindi niya maiwasan na gumuhit din ang isang ngiti sa kanyang mga labi at kanyang isinara ang bag at dali-daling bumaba sa ilang baitang ng restaurant.
"Anong ginagawa mo dito Mr. Arthur?" ang nakangiting tanong ni Hans habang papalapit siya kay Arthur.
"Ano pa? Eh di sinusundo ang taong nagpapasaya sa akin. Ang taong mahal ko." Ang tugon naman ni Arthur na hindi pa din nawawala ang ngiti. Kasunod noon ay agad niyang hinila papalapit sa kanya si Hans upang yakapin ng sobrang higpit, dahilan para mabigla si Hans at agad na nagpumiglas para makawala sa yakap ni Arthur.
"Sira ka talaga. Papauwi na din iba kong mga kasama paano kung makita nila tayo nag anon. Tsaka paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?" at napangisi si Arthur dahil halatang bahagyang natensiyon si Hans sa ginawa niyang pagyakap dito.
"Grabe, kung ganon nahihiya ka na ipaalam sa ibang boyfriend mo ko at boyfriend kita? Tsaka bakit nagtataka ka pa kung bakit alam ko kung saan ka nagtatrabaho? Malamang inalam ko lahat kasi mahal kita." Ang magiliw na sabi ni Arthur at napansin niya na bahagyang namula at nahiya si Hans sa kanya.
"Para kang sira. Siyempre hindi ako nahihiya pero hindi pa lang ako handa na malaman nila na ganito ako. Alam mo naman di ba ang mga tao, mapanghusga, basta hindi ayon sa nakaugalian, nakagisnan, o pamantayan na kanilang ginawa, o kahit sa kagustuhan nila, hinuhusgahan nila iyon na masama at makasalanan. Tulad na lang nang relasyon natin, para sa atin walang mali, pero para sa ibang tao maling mali ito." Ang sabi ni Hans na bahagyang nalungkot dahil sa mga sandaling iyon.
"Iyon lang? Dahil sa sasabihin ng iba kaya ka natatakot na makita ka ng iba na yakap kita? Ano ba ang mas makasalanan, ang magmahal o ang manghusga? Ang mas katangahan, ang umunawa ng mga bagay na taliwas sa kung ano ang nakasanayan o ang manatiling sarado at sundin ang nakagisnan? Hans, nauunawaan ko ang punto mo, pero walang tao ang naging masaya dahil nagpagapos siya sa sasabihin at panghuhusga na ginawa ng ibang tao na kinalaunan ay wala namang kinalaman sayo, sa atin. Hans, ikaw at ako ang magmamahalan, hindi sila, puso natin ang titibok sa pagmamahalan natin, hindi puso nila. Ano mang salita ang lumabas sa bibig nila ay mga salita na walang kinalaman sa atin bagkus mga salita iyon na naglalawaran sa kung anong pagkatao ang mayroon sila." At humakbang palapit si Arthur kay Hans, at kanyang inilapit ang mukha kay Hans.
"Pero Arthur..." ang hindi na naituloy pang sabihin ni Hans dahil dumampi na ang labi ni Arthur sa kanya at kinabig siya ni Arthur papalapit at niyakapa ng mahigpit.
"Mahal kita tandaan mo 'yan at tulad noong nasa kompanya tayo, hindi din ako mahihiya na ipaalam iyon sa buong mundo." Ang nakangiting sabi ni Arthur na may kasamang paglalambing nang bumitiw siya sa paghalik kay Hans at pakawalan ito mula sa kanyang yakap.
"Alam ko naman 'yon, nararamdaman ko din 'yon. Tulad ng sabi ko, sandali pa lang ang panahon simula nang magkakilala tayo, pero ang pakiramdam ko ay napakatagal na nating magkakilala at nagkasama. Pangako darating din yung oras na magagawa ko na mas maging matapang para sa'yo." Ang tugon naman ni Hans.
BINABASA MO ANG
Triple X
General Fiction[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pagmamahal at pag-aalaga ay ano pa nga ba ang maaaring makapagdulot sa magkakapatid para maghiwalay. A...