#SIY

~~~~*~~~~

Rai's POV

"Rai!" Napalingon nang tawagin ako ni Amber. "Hi! Kumusta?" Masiglang bati niya.

Ngumiti ako. "Okay lang. Ikaw kumusta semester break mo?" Tanong ko rin sakanya. "Well enjoy naman sa Maldives but kinda boring lang kasi I'm with the old peoples" Umirap siya.

Papunta kami ngayon sa Pavillon dahil puro vacant kami ngayon. Naging friend namin si Amber since first year college dahil ang gago ni Kit, natamaan siya ng bola sa ulo nung nakatambay siya sa court.

"Hi!" Bati ni Amber at umupo sa tabi ni Jacob. "Uy kain daw mamaya, libre ni Ryan" Pinakita niya samin yung gc.

Ngiting ngiti naman si Kit. "Yown! Gago for the first time nanglibre!" Lumingon lingon ako sa paligid. "Si Justin?"

"May tinutour na new student" Sagot ni Kit. "Oh?" Jacob nodded. "Daming new student, meron din samin"

Kumuha ako sa kwek kwek ni Kit, wala naman siyang angal. "Ay Amber? Sama ka ba?" Tanong ni Jacob. "No eh" Umiling si Amber. "May family dinner kami"

Si Kit at ako ay nag-aeronautical, si Amber tourism, si Jacob at Justin parehong business sa Phoenix University kami nag-aaral habang si Ej archi at si Ryan naman aviation sa Sanri University.

Supposed to be lahat kami sa Sanri kaso di ko rin alam kung bakit nasa Phoenix kami. Dati kami kami lang talaga nila Ryan tapos biglang napasama sila Justin sa tropa.

Nagbasketball kasi si Kit at nagkataon na naglalaro rin sila Jacob. Ang dalawang gago, nagkapikunan kaya ayun nadamay kami ni Justin kasi kami yung kasama nun eh. Pinatawag kami sa office at isang buwan kaming nag community service tapos ayun naging close kaya napasama sa tropa.

Okay naman sila kasama, kalog din. Parang United Nation tuloy kami, si Ryan 1/4 Chinese, si Jacob 1/2 german, si Justin 1/2 korean, ako 1/2 japanese, si Ej at Kit pure putragis.




Pagkatapos ng natirang klase namin, nagkita kita muna kami sa GP para kumain dahil pupunta kami sa Lavin's mamamaya.

Maraming tao ngayon dahil uwian na rin nung iba kaya medyo nahirapan kami sa paghahanap ng upuan. "Kumusta yung tinour mo pre?" Umakbay si Kit kay Justin. "Shawty ba?" Pataas taas pa ang kilay nito.

"Masungit" Natatawang sagot ni Justin. "Tropa niya yung anak ng may-ari ng school" Dagdag pa nito.

Napalingon naman si Jacob. "Oh? Bigtime gago! Discounted siguro tuition nun" Ngiting ngiti pa rin si Justin kaya inasar ko siya. "Type mo 'no?"

"Hindi tanga!" Deny niya agad kaya nagtawanan kami. "Pre kelan ba CAMP?" Tanong ni Kit kay Jacob.

Yung CAMP ay Campus Athletic Meet of the Philippines, kasali si Jacob dun dahil siya ang Captain ng PU sa basketball dahil dito siya nag-aral mula senior high, silang dalawa ni Tin kaso ayaw na ni Tin maglaro, ewan namin kung bakit.

"Next month na! Kailangan ko magsipag sa practice wag nyo na ko yayain sa zentro!" Panggagago ni Jacob. "Weh kala mo talaga, wag kami tol!" Binatukan siya ni Kit. Siraulo, siya nga lagi nag-aaya sa zentro eh.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon