#SIY
~~~~*~~~~
Yunah's POV
"HAPPY BIRTHDAY TO YOUUU~~~"
"CHEEEEERS!! WHOOOO!"
"MABUHAY ANG PATAY!!"
Kanya kanya kaming bote ng alak, mild drinks muna ang iniinom ko ngayon mamaya na ko maghahard liquor. Sa labas ng rest house namin ginanap yung party, dito sa indoor pool. At dahil wala kasawaan lumangoy ang mga ungoy.
Ayun nagswimming ulit sila. Wala akong plan magswimming kaya red tank top at black velvet short lang ang suot ko. Nagtutulakan si Ry at Kit, si Justin naman at Ej nakaupo lang at pinapanood yung dalawa.
And ofcourse si Amber at Iza ay may kanya kanya ring mundo kasama ang kaibigan nila. Dapat pala pinilit ko si Iyah na sumama sakin.
Si Rai, pumasok sa loob para kumuha ulit ng inumin, si Jacob ayun kanina pa nakikipag-usap dun sa staff ng resort at binigyan niya pa ito ng drinks.
"Lonely ka?" Napalingon ako kay Rai na may hawak na baso. Arghh amoy pa lang nung inumin niya eh parang gusto ko nang masuka. Red Horse. "Damayan mo ko"
Natatawang sabi ko. He sit beside me and slowly drinking his liquor.
"So.." panimula niya. "Gaano na kayo katagal ng boyfriend mo?" Agad akong nasamid sa sinabi niya.
Pucha. Konyat ka talaga sakin Ricardo.
"You okay?" Inabot niya sakin ang baso at agad ko naman ininom kaya lalo akong nasamid. "Putek bakit RH binigay mo!?"
Napatingin siya sa baso. "Ay! Sorry sorry!" Napangiwi ako. "Ang sama ng lasa!"
Napakamot siya sa ulo at natawa. "Sorry hahaha! I didn't know what to do! You okay?" Huminga ako ng malalim.
Sandali kaming natahimik at napatingin kila Ry na nagsisigawan. Wala akong maisip gawin kaya naglagay ako ng tequila sa shot glass at nilagok ito.
Shite! That's why I don't like this drinks! Nahagod sa lalamunan! Ang pait punyeta! Kinuha ko ang lemon at sinipsip.
"Sabi ng boyfriend mo wag ka raw uminom ng hard" pagpapaalala ni Rai but nakatingin pa rin siya kila Kit. "It's okay, tsaka trip ko maghard... may Jack Daniel di ba? Asan na ilabas mo na!" Nakita ko yun nung nagkalkal ako ng pagkain.
Tumayo naman si Rai para kunin ito sa loob. "Ano nag tequila ka? Hoy lagot ako kay Ree!" Pangsesermon ni Justin.
Wth pati sakanya nagtext si Ree!
Ewan ko ba sa baklang 'yon ayaw akong painumin dahil masisira da poise ko. Mukha raw akong tanga pag lasing.
Dumating na si Rai dala ang bote at isang platong sisig. Kabog sa pulutan. Isa isa silang nagsilapitan saamin kaya nilabas na ni Kit at Ej yung ice box na puro alak.
"WHOOOO MALIGAYANG KAARAWAN PARENG EDGARDO!!"
Nasa kanan ko si Justin at sa kaliwa naman si Ej. Sa tabi niya si Kit tapos yung kaibigan ni Iza, tapos si Iza. Then si Jacob tapos yung kaibigan ni Amber and si Amber. Malapit naman kay Justin si Ry tapos sa tabi niya si Rai.
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceYou remember your first love because they show you, prove to you that you can beloved and loved that nothing in this world is deserved except love, that love is both how you became a better person. And until now, until this day, this, minute, this...