#SIY

~~~~*~~~~

Yunah's POV

[girl ah papahinga muna ako here sa condo, call kita later]

"Sige get well soon"

[yess ingats muah]

I'm on my way to the library, I'm planning to finish my report today. Sobrang dami pa ng gagawin ko, malapit na naman ang exam week dahil Christmas break naman.

Kausap ko si Ree kanina, hindi siya makakapasok ngayon cuz' he's sick and nagpapahinga siya sa condo niya. I'm planning to pay a visit later after class.

Sobrang angas ng library dito sa PU kasi itatap mo lang yung I.D mo sa pinto, bubukas na siya. And i-scan lang yung I.D mo sa may counter then yun may library card ka na. Angas di ba?

Sa pinakadulo sa taas ako umupo para walang storbo, sa baba kasi may mga magjowang naglalandian.

Ang sakit nyo sa mata.

Clare and Iyah are having a lunch right now. Nagpaalam ako sa kanila kanina na sa library na lang muna ako kasi deadline na nga ng report bukas since Saturday na bukas.

And yes! May pasok pa kami ng Saturday.

Parang dati nung elementary MTAP lang pinapasukan namin ng Saturday tapos ngayon kasama na talaga yung Saturday sa school days.

Anyway tatapusin ko na muna yung report na to dahil baka ako ang unahin bukas. Hindi ko alam kung anong trip ng prof namin, lagi ako yung pinagrereport like I'm not that good in reporting things. Hello Business ang course namin bakit parang naging Journalism?




Malapit na ako matapos sa tinatype ko nang may naglapag ng paper bag na McDo sa harap ko.

"Pinapadala ni Ree kasi alam niya na hindi ka raw kakain" Nilabas ni Justin yung laman ng paper bag and inurong niya yung laptop at mga papel sa table.

"Bawal kumain dito di ba?" I think nabasa ko sa memo na "no eating at the library". "Walang makakakita kaya bilisan mo na kumain, akin yung burger jan ah"

Kinain ko yung chicken fillet ala king tsaka yung fries. Large fries pa ang binili so ano makikihati siya sakin? "Justin naman wag mo ubusin lahat ng fries" hinimas himas niya yung kamay niya na hinampas ko.

"Bakit kailangan mo manghampas!? Ang sakit oh! Namumula na!" Ang oa teh. "Ang dami mo ng kinuha oh nakalahati mo na di pa ko nakakakain!" Napangiwi siya nang makitang nakalahati niya na nga.

"Alam mo ba favorite ni Mama yung fries kaya favorite ko rin" Another episode of Justin's story telling about his mom. Hindi ko na lang siya pinansin at binilisan ang pagkain. "Fries yung laging snack namin kasi ayon lang stock sa bahay, hindi kasi yon nawawala kapag naggogrocery si Mama"

Siguro sobrang close nila ng nanay niya. Bawat kwento niya kasi, parang nagsparkle yung mata niya. Naku-curious tuloy ako sa mama niya. "Tin, nasan mama mo?"

Shit biglang lumabas sa bibig ko! "Bilisan mo na jan malapit na next class, cr lang ako" bigla siyang tumayo at bumaba papuntang cr. "What? Did I say something bad?" Pshh! Nagtatanong lang naman ako.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon