#SIY

~~~~*~~~~

Yunah's POV



Finally tapos na rin ako sa community service ko, it's my last in community service but also second week of internship. Dalawang linggo akong gumigising ng maaga para maaga akong makapaglinis ng PU at para rin wala pang masyadong studyante.


Nalaman din ng mga magulang ko ang nangyari kaya ayon bago sila matulog ay gigisingin muna nila ako. Like mga around 3-4 am, proket iba yung oras namin.

Pauwi na ko sa bahay para maligo at magbihis tapos papasok naman ako sa work. Good thing, magkasama kami ni Ree sa company kaso nakahiwalay si Justin. Mababait din naman ang mga co-workers namin at karamihan din ay intern.


Ewan ko na lang kung mababait din sa next company, next month.


Dahil nalaman nga ng mga magulang ko yung ginawa ko, grounded na naman ako sa kotse kaya lagi akong commute. One month akong hindi magkokotse.


I love my life.


"Aga mo today ah" Bati sakin ng mga ka-team (co-workers). "Good Morning Ms. Ahn!"

"Good Morning Ate Marie!"

"Good Morning Mam Chae!"

"Good Morning Kuya Jeck"

Ganito ako araw araw, babatiin sila ng 'good morning' two weeks pa lang kami rito pero sobrang close na namin lahat sa team. Sila yung nagguide samin, hindi sila katulad nung iba na porket seniors eh ginagawa nang utusan yung mga intern.

"Nandiyan na po si Ree?" 7:30 am na. "Bumili lang ng kape"

As usual maaga siyang napasok at bumibili ng almusal sa coffee shop malapit samin. "GOOD MORNING! GOOD MORNING! MAGANDANG UMAGA PILIPINAS!!" Speaking of the kangaroo, ayan na ang ingay ingay na. "Dumating na ba ang late comer? Here is you coffee Ms. Ahn!"


Nakatunganga lang ako kay Ree at pinapanood siya na namimigay ng kape. "Baks tulala ka riyan?" Magkatabi lang ang desk namin ni Ree kaya makakapagchikahan kami habang nagtatrabaho. "Puyat ka girl?"

"Aga ko gumising kanina" Naglapag siya ng cup sa desk ko. "Hot Choco yan ha! Hipan mo muna bago mo inumin" Nagpasalamat ako sakanya.

Ree is very thoughtful, hindi man halata sa itsura niya. Even tho lumaki siya sa pamilyang hindi siya tanggap, lumaki siya hindi binibelong sa family gaderings. He grew up with a kindest heart.

I'm very thankful that I met him and have him in my life. Kung lalaki lang talaga  si Ree baka isa na rin ako sa mga babaeng nakapila sakanya. Pero buti na lang talaga hindi, kasi di ko ma-imagine.


Hanggang 8 pm ang work shift namin, next week pa kami magiging closing ni Ree. It's around 6 pm and nakarecieve kami ng message mula sa gc. Nag-aaya sila ng dinner, celebration dahil malapit na ang CAP (yung basketball league ng bawat Universities).

Sabay na kami ni Ree na pupunta ng Greenbelt, nagpareserve na sila ng resto. Mukhang pinagplanuhan nila 'to, around Makati lang din naman yung company kaya hindi na kami matatagalan ni Ree.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon