#SIY

~~~~*~~~~

Rai's POV

Things are going pretty well; okay ang fly school, nagte-therapy na si Justin, umuwi Tatay ko and Yunah. Hindi ko maiwasan ma-anxious kasi baka temporary lang ang pagiging okay ng lahat.

Nasa locker room ako ngayon habang kausap si Yunah nagmamadali na akong magbihis dahil tinatawag na ako kaya hindi ko na naintindihan yung sinasabi niya.

"Hinata! Matagal ka pa ba?" Rinig kong sigaw ni Cap. "Heto na ho!"

"Yunah tawag na lang ako ulit mamaya, tinatawag na ako eh" Sabi ko bago ibalik sa locker ang phone at tumakbo palabas.

Nakapamewang na si Cap. "Sensya Cap" Sabi ko.

After namin ng isang ikot ay pinauwi na rin ako ni Cap dahil birthday ng anak niya. I was about to call Yunah pero nagtext siya telling me na 'wag na akong pumunta ng hospital dahil nandoon ang Tatay ni Justin. I have nothing to do so I guess puntahan ko na lang siya.

I started the engine and drove to Yunah's house pero I suddenly got a call from my Mom.

"Yes po?"

[ Asan ka Rai? ] Kinakabahan ang boses ni Mommy kaya agad akong umikot.

"Did something happen? I'm on my way na, Mom" Bilisan ko ang pagmamaneho.

[ Nandito ang mga kapatid ng Daddy mo natatakot ako na baka atakihin siya, Rai ]

Huminga ako ng malalim at hinawi ang buhok ko. Hindi pa ba sila titigil?

"Don't worry too much,  Mom. Malapit na ako and tell Dad na don't do anything"




Nakita ko ang limang kotse na nakapark sa tapat ng bahay namin, nandito nga sila. Agad akong bumaba at padabog na binuksan ang pinto.

"Who the hell told you to come in my territory!?" Nakaupo sila sa couch habang naglalapag naman ng mga pagkain ang mga helper namin.

"Kakapal ng mukha" Bulong ko.

Tumayo ang isa kong Tito. "I just want to visit the house, Rai"

"Tell me what the hell you want and leave." Matapang na utos ko sakanila.

Natawa naman ang ugok. "Easy. We just want to visit you"

I sighed. "Leave," I said in full voice.

"Don't make me call the cops, leave"

Tinawanan ako ng hayop bago lumabas kasama ang mga alagad niya. Wala akong pake kung kadugo ko siya, he's now stepping on boundaries.

"Ah" Lumingon ako sakanya. "That girl" He said with a smirk. "Harrington"

Tila yata nag-init ang dugo ko at naikuyom ang kamao. "I guess it's her downfall. Her family left her right?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, agad ko siyang sinuntok ng paulit ulit.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon