#SIY

~~~~*~~~~

Rai's POV

"Rai please, I need you anak" Huminga ako ng malalim. "I'm sorry, Mommy. Let me think about it"

Malungkot siyang ngumiti. "Don't bring me down" Huli niyang sabi bago lumabas ng kwarto ko.

Napa-upo ako sa desk at dumukdok. "Kapagod" Bulong ko sa sarili.

Tinignan ko ang cellphone ko na kanina pa nag-vvibrate. Napangiti ako ng mabasa ang caller I.D. "Thank God, I have her" Ang tanging pahinga ko sa nakakapagod na mundo.

[Hi!] Bati niya. "Hey"

Gaya ko ay nakaupo rin siya sa study table niya, may suot na salamin at naka-messy bun ang buhok. [how are you today?]

"Much more tired" Sagot ko. [same] Sagot niya at tumawa.

I saw her clicking her pen. "Kumain ka na?" Tumingin siya sakin. [yes, how about you?]

Tumango ako. "Oo" Nakatitig lang siya sakin. [Rai] Pagtawag niya.

"Hmm?"

[let's play two truths and one lie] Napakunot ang noo ko. "Ngayon?"

[ay hindi, bukas na lang] She said sarcastically and laugh.

She laugh, so I laugh.

"Game" Lumapad ang ngiti niya. "Ladie's first"

[hmm] She fix her glasses.

Shit, bakit ang ganda ng girlfriend ko?

[ I'm happy, Everything is okay and..] Huminto siya at nagsmirk sakin. [I love you]

Napangiti ako. [spot the lie]

"You love me" Sagot ko na ikinatawa niya. "Ayun yung lie 'no?" Biro ko.

[hindi naman, may point ka rin] Napa-iling na lang ako. [ikaw naman]

"Kimchi ang lunch ko kanina, ang gwapo ko and I'm happy"

Umiling siya. [yung lie?]

[ang gwapo mo] Nanlaki ang mata ko. Ginugood time yata ako nito eh.

[WHAHAHAA] Tawang tawa siya. [tara jogging?]

"Ngayon?" Tumango siya. "11:30 na!"

[eh ano?] Napa-iling na naman ako. [sa park malapit diyan sainyo] Sagot niya bago tumayo.

Pinapanood ko lang ang kilos niya, dumiretso siya sa closet at kumuha ng leggings at hoodie. Lumapit siya ulit sa laptop niya at pinitik ang camera.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon