#SIY

~~~~*~~~~

Yunah's POV



First Love Never Broke

Iyah:
Hooooy @Yunah!!!

Dia:
Malapit na ko ah

CL:
Nandito na kami nila
Amore.

More:
Ang lapit na lang nito
sa PU wala ka pa rin
@Yunah

Yunah:
Sisihin nyo yung prof
Malapit na ko tatawid
lang ako.

CL:
Ingat sa pagtawid

Iyah:
Tanga ka pa naman

More:
Nandito na si Diane

Dia:
WHAHAHAHA


Nilagay ko muna sa bulsa yung phone ko dahil tatawid ako. Kakatapos lang ng class namin and magkikita kita kami ngayon dahil bukas na ang birthday ni Amore. Ipa-finalize namin yung plan, yung mga kailangan.


Sa Cafè malapit sa PU ang meeting place para raw hindi na kami malate. Eh kasalanan ko ba na ang tagal matapos ng class namin.

"Inorderan niyo na ko?" Umupo ako sa tabi ni Diane. "Yes Mam, cookies & cream cake and cappuccino" sagot ni Aliyah.

"So what's the plan na? Dia diba ikaw bahala sa venue?" Clare said.

"Napabook ko na yung dun sa BGC, rooftop tayo may pool" Diane is asigned for venue. Hindi kami sa resto nila Amore or bar nila Clare kasi hindi talaga kami makakapagsaya don. "Exclusive lang 'to ah, Mor pinadalhan kita ng mga online invitation card, ako na magchecheck sa mga pupunta don para hindi makalat"

Aliyah is for the invitations, napagpasyahan namin na exclusive party lang, para lang sa mga ininvite. In short, no outsiders allowed."Kayo? Ano ambag niyo?"

Nagkatinginan kami ni Clare. Wala pala kaming ambag! "Akala ko ba ako sa alak?" Naunahan ako ni Clare. Ayon din sana ang sasabihin ko. "Ikaw ano sayo?" Ngisi ang loka dahil alam niya na alak din sana sasabihin ko.

"Puntahan ko na lang yung venue mamaya tapos.....oo na sige ako na service niyo!" Isa- isa ko na naman sila susunduin bukas!

Ngiting ngiti ang mga hangal. Sayang pa-car wash ko kung susukahan lang nila.

Dumating na yung pagkain kaya tumahimik muna saglit tapos tuloy pa rin ang asaran. "Kailangan ba nakaswim suit?" Tanong ni Aliyah.

"Subukan mo maghubad na lang pwede naman" Sagot sakanya ni Diane kaya ayon asaran na naman sila. "Ang sakit niyo sa ulo" Yung mukha ni Clare parang *done with life*


After ng konting chikahan umuwi na sila, at gaya nga ng sinabi ko kanina. Pupuntahan ko yung venue sa BGC. Pucha ang layo! Wala pa akong kotse, commute ako nito.


Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon