#SIY
~~~~*~~~~
Yunah's POV
"Sis late ka na naman"
"Kelan ba napaaga pasok niyan??" Late na naman ako ngayon dahil natraffic ako. "Na-attendance na kita" sabi ni Justin.
"Goods ka pala Tin eh!" In college you don't need someone na magpapacopy ng notes sayo, you just need someone na magsasabi ng 'Okay na na-attendance na kita'. "Palagi ka na lang natatraffic"
Naglalakad na kaming tatlo nila Ree ngayon. "Kasalanan ko ba na traffic ha?"
Humiwalay na si Justin samin dahil may class pa raw siya, kami naman ni Ree parehong vacant kaya nakatambay muna kami sa GP ngayon.
Nagchichikahan lang kaming dalawa, well inaasar na rin yung kalbo naming prof na dumaan sa harap namin.
"PIECE KALBO!" Sigaw ng bruha at binatukan ako."Grabe Ree napaka matured mo!" Inirapan ko siya habang hinihimas yung ulo ko.
"Ayon na nga sis, kilala mo si Emma yung kablockmate natin? GRABE! NAKAABOT NG COLLEGE NG AMOY PUTOK" Tawang tawa ako dahil grabe talaga manlait itong si Ree.
Akala mo naman napakaperfect niya. "At isa pa 'to si Quinze! Nilalandi niya ako lagi. Girl kadiri naman dahil mas maganda pa ako kaysa sa kanya!" May pa hand gestures at kunyareng masusuka pa.
Buong vacant dumaldal siya ng dumaldal hanggang sa naisipan namin lumabas ng school at pumunta sa sports bar.
Bagong bukas lang kasi ito at natripan namin itry, maglalaro na lang rin kami. Dahil kakaunti lang ang tao, nagbilliard muna kaming dalawa ni Ree.
Ang nakakaloka lang ay hindi siya marunong. "Baks kapag ba titira ka na kailangan tutuwad ka?" Nasamid ako sa shake na iniinom ko. "Ang baboy naman"
Binatukan ako ng gaga. "Tanga! Ang dumi ng utak nito!"
Nagstay muna kami don dahil bukod sa may mga boardgames, may wifi rin. Dito na rin namin ginawa yung research namin para sa isang sub.
"New tambayan spotted sis!" He exclaimed. Nakaupo lang kami sa couch habang nakain at nagreresearch. Tapos ito namang kasama ko napakadaldal ang daming say.
"Ano na baks, nakausap mo na ba yung mommy mo about don sa gusto mo?" Bigla kong naitanong sakanya. He sighed. "Sa ngayon hindi pa baks, hindi pa kami nagkikita" Mahahalata mo yung eagerness sa mga mata niya. Yung eager na makausap niya yung nanay and disappointment dahil hindi pa sila nagkikita.
Humarap ako sakanya."Keri mo pa ba humabol kung sakali? Graduate na tayo next year" Humigop muna siya sa milkshake niya. "Gaga sinong may sabi na gagraduate ka?" Ay tangina ang seryoso ng usapan tapos bigla siyang gaganyan.
Sinipa ko yung paa niya sa ilalim ng table. "ARAOUCH!!" Ang arte! "Prof ba kita ha? Di ka rin gagraduate tangek!"
"Bobita ka, pano ka gagraduate eh lagi kang late!"
"Nako Ricardo tatanggalan talaga kita ng kilay kapag nakagraduate ako ha!"
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceYou remember your first love because they show you, prove to you that you can beloved and loved that nothing in this world is deserved except love, that love is both how you became a better person. And until now, until this day, this, minute, this...