#SIY~~~~*~~~~
Yunah's POV
Rai : Hey!!
typing...
Kanina pa ako tingin ng tingin sa message ni Rai, nagtataka kasi ako kung bakit siya nagchat saakin. Kanina pa rin yan typing tapos biglang mawawala tapos typing ulit siya.
Ano ba problema nito?
Nireplayan ko rin siya ng 'Hey' kanina tapos ayon nagsimula na siya magtyping. Naisip ko rin na baka nagtatype na siya ng LSM para saakin pero naisip ko rin na napaka-assuming ko naman non.
"Hoy Ate saan ka na naman pupunta? Lalayas ka na naman! Kala mo ah, hindi nga kita sinumbong kila Mama na alas dos ka na umuwi nung nakaraang friday!" Bungad ni Yazzie nung nakita ko siyang nagtitiktok sa garden. "Edi sumbong mo, kakain lang kami ni Tin tapos may kukunin sa office"
Kukunin kasi namin yung papers namin sa admin, nagkataon na sabay kami ng sched tapos kakain na rin kami. G naman ako agad kasi syempre libre niya wala na akong poproblenahin at dahil tamad ako magdrive ngayon commute na lang kaming dalawa. 'Bilhan mo ako ng krispy kreme ah!" Napaka-angas naman talaga ng kapatid ko dahil nautusan pa akong bilhan siya ng pagkain.
Magkikita kami sa tapat ng school malapit lang siya roon dahil malapit lang naman yung subdivision nila. Pwede nga kahit magtricycle ka lang eh, ako naman magji-jeep na lang saktuhan lang naman yung baba ko kapag nagjeep.
Kachat ko si Ree habang nakasakay ako ng jeep. Nagrereklamo siya bakit daw kasi hindi sabay yung sched namin, iwan daw tuloy siya at wala siyang maidadahilan sa tatay niya.
Napakadaldal talaga ng isang 'to kahit sa chat napakaraming sinasabi. Sunod sunod kung magchat tapos ang haba pa. Ang sarap kalbuhin ng pilik mata eh.
Malapit na ako at nagchat na rin si Justin na napakabagal ko raw. "Kuya para po!"
Tumawid lang ako sa tamang tawiran at nakita ko na si Justin na nakatayo sa tapat ng gate, kachikahan niya si Kuyang guard. "Hoy!" Tinawag ko siya kaya napalingon siya sakin. "Grabe naman Yunah 30 minutes na ako rito oh!".
"Napaka-OA naman ng 30 minutes Ikaw kaya bumyahe! Akala mo ganon kadali maghintay ng tricycle sa subdivision namin 'no?" Ang tagal ko kaya nakatayo dun, nakisabay na lang nga ako dun sa rider hanggang sakayan ng jeep tapos binigyan ko ng 50 pesos.
"Tanga ka 50 pesos lang binayad mo dun sa rider? Di mo pa ginawang 100 'no? kawawa naman yun naghahanap buhay tapos kuripot ka" Naglalakad na kami papuntang admin at kinuwento ko nga sakanya yung commute ko kanina. "Hoy ang kapal mo naman! 50 lang kasi siningil sakin ni Kuya!"
Marami rami rin ang mga studyante rito, mostly senior highs at freshmens kumukuha rin yata sila ng papers. Hinahanap ko rin sila Clare kung nandito sila ngayon, chinat ko na rin sila sa gc namin kaso mga famous nagseen lang. Hindi man lang ako nireplayan ng mga bruha.
Buti na lang pagdating namin sa admin, hindi na kami pumila dahil diretso abot na samin ng papel. "Shocks 4th year na tayo!" Sabi ko pagkatapos namin makuha yung papel. "Wag excited teh! Di mo pa sure kung gagraduate ka".
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceYou remember your first love because they show you, prove to you that you can beloved and loved that nothing in this world is deserved except love, that love is both how you became a better person. And until now, until this day, this, minute, this...