#SIY

~~~~*~~~~

Rai's POV

It's been 6 months simula nung naging aware ako sa pagbabalik niya. Ang bilis ng panahon dahil November na ngayon at malapit na ang undas break kaya nagiging hectic na ang week ng mga students.

Tahimik lang akong nakaupo habang nakikinig sa lecturer namin. Well buti na lang lecture kami rito at siguradong may task na ibibigay 'to mamaya pero okay lang kasi madali lang.

Madali lang magdrop out sa college.

"Bro saan ka after nito?" Bulong ni Kit. "Uwi" Simpleng sagot ko.

Nadismaya na naman yung mukha niya. "Tambay tayo sa zentro? Libre ko" Magandang offer pero busy ako. "Tambak gawain ko"

"Kailan ka pa naging busy?" Tinapik ko ang balikat niya. "Ngayon lang"




Pagkatapos ng klase namin, tumambay muna ako sa coffee shop dahil tatapusin ko ang presentation. Malamang pupunta yung lima sa zentro pero si Justin busy din yata sa buhay niya.

Siguro ay magpaplano na rin sila para sa birthday ni Ej. Ngayong November na rin kasi ang birthday ng ugok at balak icelebrate habang naka-undas break kami kaya naghahapit kami na matapos lahat ng task dahil malamang puro inuman na naman yan.

"What's your order sir?" Tanong sakin ng nasa cashier. "The usual please" Madalas kasi akong tambay dito dahil kinukumpleto ko yung coupons nila.

"Okay Mr. Rai one Caramel Macchiato and cookies&cream cake" I nodded.

Bumalik ako sa table ko dahil tatawagin naman nila yung pangalan ko mamaya. Nagsuot ako ng airpods pero hininaan ko lang baka kasi di ko marinig pangalan ko.

Ang mga ugok naghahanap daw ng venue eh ang gusto raw ni Ej ay swimming kaya nagse-search ako ng mga private resorts. Sa Batangas maraming beach tapos sa Laguna naman puro hotspring. Nag-iisip ako kung mag-Boracay na lang o Palawan kaso mahirap magflight magpapabook pa kami.

Kung sa La Union naman di ko lang sure dahil doon na kami nung summer. Siguro maghahanap na lang ako sa Batangas.

Nakakita ako ng beach resort na may rest house sakto private ito kaso mukhang pang mayaman. Pinicturan ko at sinend sa groupchat namin, nagustuhan din nila kaso ang mahal pota.

Php15,000

Pero oks naman kasi pangtatlong araw na yun, nagpareserve na agad ako dahil mahirap kapag naunahan pa kami. Kahit ako na magbayad ng venue basta hindi ako gagastos ng ibang expenses.

"Mr. Rai" Tumayo ako para kunin na yung order ko.

Pero naunahan ako nung babae, may kausap siya sa cellphone niya at biglang kinuha yung cup na may pangalan ko.

Gagi?

Lumapit ako. "Uhm akin yata yan nakuha mo" Dahan dahan siyang tumingin sakin.

Halos mapamura ako nang makita ko kung sino yun. Tangina bakit siya?

Yunah.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon