#SIY

~~~~*~~~~

Yunah's POV





I was sitting outside the operation room, staring at the floor, my hands and clothes are covered with blood.

My sister's blood.

I feel weak and numb but I felt pain in my chest at ang tanging naaalala ko lang ay ang mabilis na pangyayari kanina. Hindi na ako makaiyak and I can't even breathe, hinihintay ko lang na lumabas ang doctor at malaman ang kundisyon ng kapatid ko.

This is all my fault, kung naging mabuting Ate lang ako sakanya hindi ito mangyayari, kung naging smooth yung meeting sa investors hindi ito mangyayari. I should have been the one who guide her not the one who will ruin her. Responsibilidad ko bilang panganay na bantayan yung kapatid ko pero once again I failed.

Napatakip ako sa mukha ko habang nagdadasal na sana maging maayos ang kalagayan niya. "Ija" Narinig ko si Ate Cindy kaya napatingin ako sakanya. "Shh" Umupo siya para yakapin ako.

"It's all my fault" I whispered. "Kasalanan ko—"

She patted my back. "Ginawa mo ang lahat, Yunah... wala kang kasalanan, aksidente lahat" Sinusubukan niyang pagaanin ang nararamdaman ko.

But not.

Lalo itong bumibigat naghahalo ang takot, inis, lungkot at awa. Natatakot ako sa maaring mangyaro, naiinis ako sa sarili ko, nalulungkot ako sa nangyari at naaawa ako sa kapatid ko.

All she just wants is my time but I failed to give it to her. Hindi ko maibigay yung maliit na bagay na hinihingi niya sakin. Na akala ko ay tama lahat ng ginagawa ko But it's still kulang.





"YUNAH! OMG WHAT HAPPENED!" Ree, Clare, Aliyah, Kit and Rai rushed into us.

Napatayo si Ate Cindy at gumilid para makita ko sila. Clare and Iyah gasped when they saw me covered with blood, napatakip si Ree sa bibig niya at muntikang matumba buti na lang nasalo siya ni Kit. Tumakbo palapit sakin si Rai at niyakap ako.

"Ayos ka lang? May masakit ba sayo?" Tanong niya habang yakap ako. "Masakit Rai... sa puso" I muttered.

He hugged me tight. "Magiging okay din siya... malakas siya katulad mo" He assures me.






Nakaupo kaming lahat sa tapat ng OR at apat na oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin lumalabas yung doctor. I started to worry and my hand is shaking but Rai hold it. "She will be fine" He assured.

Hindi na sila nagtanong kung ano ang nangyari maybe because they know that I was still in the shock and they don't bother to ask. Umuwi muna si Ate Cindy kasama si Kuya Eddie para kuhanan ako ng damit dahil kanina ko pa suot itong damit na may dugo.

Natawagan na rin ng hospital sila Mama, good thing sa Hospital kami nila Diane napunta kaya nakaprioritize si Yaz. From what I've heard naibagsak daw ni Mama yung phone niya due to shock at nagmamadali na silang umuwi ngayon.

14 hours travel from Londo to Philippines at siguradong bukas ng umaga nandito na sila And I'm scared, natatakot ako na may hindi magandang mangyari.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon