#SIY
~~~~*~~~~
Rai's POV
Bago kami pumunta sa Rizal ay dumaan muna kami sa family ni Yunah sa Cavite dahil nagpahatid ang kapatid niya ng gamit.
Hindi ko alam kung bababa pa ba ako ng kotse dahil gate pa lang ng Casa nila ay parang natatakot na akong tumuloy.
"Rai, relax. Natetense ka oh" Turo ni Yunah sa kamay ko na mahigpit na nakahawak sa manibela.
Kinuha ko ang bag at nauna siyang maglakad. Gusto kong magpalamon sa lupa ngayon. "Hindi ba nakakahiya? Wala tayong dalang pagkain"
Huminto siya at humarap sakin. "Relax, hindi pa tayo mamanhikan" She joke.
Pero di ako natatawa kasi nakakakaba talaga, feel ko parang natatae na ako.
Kumatok si Yunah at pinagbuksan siya ng mga kasambahay nila. From my point of view parang lahat ng interiors nila rito ay luxurious. Parang nakakatakot apakan yung tiles.
Tinapik ni Yunah yung balikat ko and motioned me to follow her. Malaki ang bahay nila, an Casa indeed. Dumiretso kami sa living room kung saan naka-upo ang grandparents niya at nanonood ng tv.
Ito na yun Rai.
Sumalubong saamin ang dalawang bata na may bitbit na iPod, parehas nagkiss kay Yunah. Pinakilala niya ako sa mga ito at tila naexcite naman ang mga bata dahil tumili pa ang isa. "First time ko magdala ng shota eh" Kibit balikat na sabi sakin ni Yunah.
"Relax okay?" Bulong niya sakin bago tumakbo at nagkiss sa lolo at lola niya.
Lumapit ako para magmano. "Good evening po" Pinakilala ako ni Yunah.
Grabe kaba ko.
Kung titignan ay mas bright ang aura ng Lola niya kaysa sa Lolo niya, ang intimidating ng itsura. Umupo muna kami sa couch nila habang pinatawag ni Yunah sa mga kasambahay si Yazzie.
Malayo pa lang ay rinig na namin ang kwentuhan nila. Napa-iling si Yunah nang marinig ang pangalan ko. Bumaba ang tatlo sa hagdan kaya napatayo ako, si Yunah naman ay nanatiling nakaupo at nakacross arms pa.
"Ang ingay niyo" Iritableng sabi nito. Iniabot ko ang bag kay Yazzie at nginitian ang dalawa nitong pinsan.
Tumungo kami sa dining nila para kumain, kung nakakakaba kanina. Mas nakakakaba rito ngayon dahil nandito rin ang mga tito at tita niya. Nakakatakot sila.
Tinapik ni Yunah ang hita ko dahil pansin niya rin siguro ang pagkatense ko.
Tahimik lang kaming kumakain nang biglang nagtanong ang mga tita dahilan para masamid ako.
"Salamat po sa pagkain" Paalam ko bago kami umalis.
Pagkalabas ng Casa ay nakahinga ako ng maluwag, pakiramdam ko ay pumasok ako sa isang Lion's den. Lahat sila ang intimidating kahit yung dalawang bata.
Harrington indeed.
Inabot na kami ng gabi sa byahe. "Bakit dito mo naisipan? Are you sure na nandito siya?"
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceYou remember your first love because they show you, prove to you that you can beloved and loved that nothing in this world is deserved except love, that love is both how you became a better person. And until now, until this day, this, minute, this...