#SIY

~~~~*~~~~

Yunah's POV



"Anong flavor ba?"

Dahil sa katamaran nung lima, kami tuloy ni Rai ang bumibili ng ice cream ngayon. Hindi naman kasi children's party 'yun pero bakit kailangan pa ng ice cream?

"Chocolate, mango, ube, buko pandan, vanilla" basa ni Rai sa mga text ng mga ugok sakanya. Ang daming flavor na gusto, hindi namin alam kung ano ang bibilhin namin. "Kanya kanya talaga sila ng flavor?"

At dahil nagbigay naman ng pera ang mga kumag, kinuha ni Rai ang mga flavor na gusto nila. Tig-iisang galon ng ice cream ang binili namin. "Anong flavor gusto mo?" He asked.

"Ah!" Hindi pa ako nakakasagot, binuksan niya na ulit ang freezer at kinuha ang cookies & cream flavor.

Pano niya nalaman?

Tinulungan ko siya buhatin ang mga ice cream at nagbayad sa casheer. Ewan ko ba kung bakit ako ang napasama sakanya sa pagbili ng ice cream.

"Ang tagal nyo ha!" Reklamo ni Ry. "Nagdate pa kayo siguro noh?" Dagdag ni Kit.

Date? Sa Calendar lang meron 'non.

"Uy nandiyan na pala kayo, nandito na rin sila Amber nasa taas lang nagbibihis" kakababa lang ni Jacob sa hagdan. Siguro hinatid yung Amber sa room niya.

"Ilagay nyo kayo 'to sa freezer para may ma-i-ambag kayo sa lipunan" utos ni Rai at nagturuan pa sila kaya ang ending ay si Justin at Rai na lang ang naglagay sa freezer.

Tumulong na din ako sa pagde-design para mabilis matapos at makapag-pahinga na sila. Tawang tawa pa rin si Jacob sa mga pinagbibili ni Rai.

Matapos mag-ayos sa sala pumunta naman ako sa kusina para tignan kung maayos pa ba. Buti naman at hindi nila sinunog ang kitchen, maayos din yung mga gamit hindi kalat kalat.

"Asan sila Kit?" Tanong ko kay Rai na naghihiwa. Tinuro niya sa labas. "Nag-iihaw"

Nanlaki ang mata ko at tumakbo palabas. "Whooo" Feeling ko nakahinga ako ng maluwag nang makitang maayos silang nag-iihaw.

"Tubig gusto mo?" Alok sakin ni Justin. Umiling ako. "Buti naman hindi niyo sinunog"

After ko ng icheck ang niluluto nila umupo muna ako saglit sa sofa at nakigulo na rin sa nilalaro nila. Call of Duty

Meron akong app non pero di ko na masyadong nilalaro and besides mga pinsan ko kalaro ko nun kaya na download ko.

"Ang obobs ni Jacob! Duling ka ha!?"

"Ang daldal Ry! Ayun yung kalaban!"

"Tangina pabuhat ka Ej!?"

"Bwiset bobo maglagay ng bomba!"

"Yunah tabi ka jan! Bobo mo Edgardo!"

"Nasa taas ng puno tangina takot pala eh"

Puro sila sigawan na halos parang ako na lang yata yung nakakailang kills dahil kada sigawan nila nagbabatukan sila kaya ang ending hindi sila nakakapagfocus sa laro.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon