#SIY

~~~~*~~~~

Yunah's POV

[ asan ka na? kumpleto na kami dito]

"Excited? Nasa byahe na ko!"

[ bilisan mo ah— ]

Inend ko na yung call, mga tanga kasi alam naman nila na may intern ako tapos malayo yung company pinagmamadali pa ko.

Ngayon kasi ang CAP kaya manonood kami, semi-finals na kasi at kabilang ang PU sa mga universities. Nauna na si Justin dahil maaga naman siyang pina-uwi, ako lang talaga yung matagal dahil nagprint pa ko ng mga papel.

Sa Arena gaganapin ang CAP at dahil red ang theme ng PU nagbaon ako ng red na shirt. Nagbihis muna ako bago lumabas ng kotse, sa labas pa lang ng Arena makikita mo na ang daming tao sa loob. Maraming fans ang Phoenix at ang kalaban nitong Xavier.

Tinext ko si Clare para itanong kung saan sila nakaupo, ang sabi niya nasa harap daw si Justin susunduin daw ako.

"Grabeng tagal naman" Sabay kaming pumasok sa loob ng Arena. Grabe sa dami ng tao, pula at asul na damit, headband, balloon, banners at kung ano ano pa.

Umakyat kami sa mga bench at nakita ko sila sa may bandang gitna. "Grabe sis kamusta flight?" Pang-aasar ni Diane. "Sige kayo na magprint"

Umupo ako sa pagitan ni Aliyah at Diane, mahirap na baka magsagutan na naman itong dalawa. "Asan na yung iba kala ko ba kumpleto na?" Parang kulang kasi kami eh.

Si Ree hindi raw makakaabot dahil closing siya, tinext niya ko kanina bago ako mag-out sa work.

" Si Amore hindi raw makakapunta, may event kasi sa resto nila tapos nagleave yung dalawang staff kaya nandun sila ng Ate niya" Paliwanag ni Aliyah.

Tumabi sakin si Kit."Si Ej naman nagawa raw ng plates" Natawa ako sa sinabi niya. "Plates? Kailan pa nagsipag yon?"

Parang kulang nawawala yung pasimuno ng lahat. "Nasan si Clara?" Tanong ko sakanila,ngumuso si Diane habang nakatingin sa harap. "Ayon oh"

"Ganap niyan bakit dun yan naka-upo?" Siya lang kasi ang nakahiwalay samin. Siya lang yung nakaupo sa bench malapit sa players. "Personal assistant ganap niyan today"

Ah kaya pala now I know na. "Bili kayo food" Utos ni Ryan. "Ikaw bumili ikaw nakaisip eh" Sabat ni Kit.

"Tigilan niyo na nga, ang sakit niyo sa ulo" Saway sa kanila ni Justin. "Ikaw na lang kaya bumili Tin" Sakaniya naman inutos nung dalawa.

Kung wala si Ej, si Kit at Ryan ang magkasagutan kapag nandiyan naman gulo gulo sila dadagdagan pa ni Ree lalo na si Aliyah at Diane.

"Yunah ikaw na lang kaya bumili, ikaw naman nahuli eh" Punyeta, sakin naman napunta ngayon. "Bakit kayo bibili ng pagkain? Manonood lang naman tayo dito at isa pa makakadagdag lang yan ng kalat dito sa Arena! Kawawa naman yung mga janitor na naglilinis ng kalat niyo, nagpapagod sila pero maliit lang ang kita at namimistreated pa... Kaya wag na tayo kumain" Nakatulala silang lahat sakin.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon