#SIY
~~~~*~~~~
Yunah's POV
"Rush B!"
"Vin pacover ako" Kalaro ko si Kevin ngayon, actually araw araw na niya akong iniinvite maglaro. [ ay pucha! ]
May squad na kami ni Kevin sa call of duty. 'WTH | yunaaah' yung name ko, kasama rin namin don yung tatlong tropa ni Kevin.
"Nice game Vin!" Nanalo kami sa rank game, malapit na ko maglegendary salamat sa buhat.
Maglalaro pa sana kami kaso biglang tumawag si Justin sa face time.
[ grabe naman Yunah! Nakasimangot na mukha talaga bungad mo ]
Nakawhite na shirt siya tapos white rin yung background niya.
Ano 'to All White?
"So ano bakit?"
[ invited ka raw sa birthday ni Jacob ]
Oh gosh I forgot magbibirthday pala yon.
"Saan at kailan gaganapin?"
[ sa rooftop daw ng condo niya sa Taguig ]
"Maraming condo dun Tin"
[ susunduin ka na lang daw ni Clare, bilisan mo raw 6 pm ayos ka na ]
"Grabe naman yon hoy 5:30 na—" Inend niya na.
Takte 5:30 pm nila ako ininform tapos 6 pm kailangan ayos na lahat? Grabe parang hindi kaibigan. Naligo na ako at kumuha na lang ng kahit anong damit sa wardrobe ko dahil nagtext na si Clare, nasa baba na raw siya.
Madaling madali ako dahil early bird yung kasabay ko. Tamang lagay lang ng liptint then done. Di ko na kailangan magpabongga di naman sa bar ang punta namin.
"Ang bagal mo talaga" reklamo agad niya pagkasakay ko pa lang ng sasakyan. "Ang aga mo kasi"
Hindi ko alam kung saan yung condo ni Jacob basta ang alam ko sa Taguig lang. Ito naman si Clare drive lang ng drive malay ko kung alam nitong babaeng 'to.
"Alam mo condo ni Jacob?" She nodded. "Bat mo alam?"
"Pumunta na kasi kami don" Napalingon ako sakanya. "Pumunta? Kayo? Sino kasama? Bitch kayo lang?" Sabi na eh may mga sikreto talaga 'tong mga 'to.
"Gaga lima kaming pumunta roon, nag group review kami shunga 'to. Alam mo uso maglinis ng utak". Nakahinga ako ng maluwang. Grabe sa linis utak ah.
Sinubukan namin tawagan yung tatlo, si Diane aattend daw ng business party sa ospital, si Aliyah mag rereview ng mabuti (ewan ko lang kung makakabuti sakanya yung review niya), and si Amore hahabol na lang daw siya.
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceYou remember your first love because they show you, prove to you that you can beloved and loved that nothing in this world is deserved except love, that love is both how you became a better person. And until now, until this day, this, minute, this...