#SIY

~~~~*~~~~

Yunah's POV

Natigil ang harutan nila ng dumating na ang inorder namin. May staff na nagdala samin kaya nagsitigil na sa kalokohan itong anim na 'to. Habang inaayos nila yung kalat nila sa sala, tumayo na ako para ayusin yung mga pagkain. Dinamihan ko yung order para hanggang mamayang gabi na.

"Ang dami mong inorder" nakapameywang si Rai habang nakatingin sa mga pagkain. "Hanggang mamayang gabi na yan" Ibinalik ko sa tupperware yung ibang pagkain, ilalagay ko na lang sa ref para iinitin na lang mamaya.

"Gosh ano 'to!?" Nagulat ako pagbukas ko ng ref kaya agad din napatakbo doon si Rai. "Nakakaloka bakit puro alak laman ng ref!?" Napakamot siya sa ulo niya.

"Asan mga binili nyong pagkain?" Tanong ko at binuksan niya yung cabinet sa taas. Mas lalo akong nawindang ng makitang puro delata ang binili nila.

Sardinas, corned beef, meatloaf, canned tuna and sausage on can tapos may dalawang balot ng original and sweet & spicy pancit canton.

Napahawak ako sa ulo ko. "Ano yan? Ayan lang ihahanda ni Ej bukas!? Ayan lang kakainin natin sa tatlong araw natin dito!?" Hindi ko iniexpect na magiging ganito kagulo. Ang akala ko maayos na ang lahat dahil nagmatured na sila. Akala ko lang pala.

"I don't know, tulog ako nung nag-grocery sila" Mukang pati siya narealize na din kung gaano ka gulo ang buhay niya. "Uy ang daming pagkain!" Agad na umupo si Kit at kukuha sana ng chicken ng hindi pa naghuhugas ng kamay.

Why naman ang dugyot?!

"Kit! Magwash ka nga muna ng kamay mo! Baka kung saan saan ka humawak!" Saway ko sakanya kaya kamot ulo siyang tumayo para maghugas ng kamay.

Nagsipasukan na din ang iba pa at gaya ni Kit pinaghugas ko muna sila ng kamay.

"Alam nyo nakakaloka kayong anim!" Sabi ko habang kumakain kami. Lahat sila napatigil sa pagnguya maliban kay Rai dahil nasermunan ko na siya kanina.

"Nakaya ninyong rentahan ang buong resort ng delata at pancit canton lang ang kakainin natin sa tatlong araw natin dito" Nag-umpisa na silang magturuan. "Puro alak pinamili nyo ano magpapakabusog kayo sa alak?" Iba't ibang klase ng inumin ang nasa ref.

Hays sumasakit yata ulo ko.

"Bukas mamamalengke tayo ha, yung maiiwan maglinis ng rest house" Gulat silang mapatingin sakin at magrereklamo sana si Jacob. "Ang magreklamo, siya ang magbabayad ng ipamamalengke bukas... okay ba?" Nginitian ko sila.

"Hay grabe torture 'to!" Napasapo si Justin sa noo habang nakain.

"Ry nakita ko wala kang ginawa kanina, ikaw magligpit at maghugas ng pinagkainan okay?" Turo ko sakanya.

"Anak ng! Torture nga!" Sabi niya bago umupo ulit.

Dahil tapos na akong kumain, umakyat na ko sa taas para magpahinga at magkaroon ng peace of mind. Since soundproof naman ang mga kwarto dito hindi ko maririnig ang ingay nila.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon