#SIY

~~~~*~~~~

Rai's POV

"Tin"

Lumingon siya sa'kin. "Oh! Tapos na kayo? Ang bilis ah. Bumalik doon ang mga gago"

Tapos na.

Tapos na kami.

Lumapit ako sakanya at sumubsob sa tabi niya, hindi ko na kaya. Biglang bumuhos lahat ng luha ko.

"Rai?"

Hindi siya nagsalita, nakinig lang siya sa pag-iyak ko hanggang sa tumahan ako. Tangina hindi naman kasi ako iyakin eh, konti lang. Pero hindi.

"Ayos ka na ba?" I nodded.

Kinuwento ko kay Justin lahat, lahat ng nangyari ngayong araw. He just sat there listening to my break up story with the person he's inlove with.

Alam ko. Alam kong gusto niya si Yunah, napapansin ko 'yon noon pero hindi ko na lang sinasabi dahil ayoko rin masira ang pagkakaibigan namin at alam ko rin naman na hindi gagawa si Justin ng mga bagay na alam niyang hindi dapat at hindi para sa lahat.

"Naiintindihan ko naman, pagod siya. Pagod lang siya sa lahat ng nangyayari kaya gusto ko siyang bigyan ng time"

"Alam kong hindi totoo lahat ng sinabi niya sa'kin kanina kasi nararamdaman ko eh, ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal"

He taps my shoulder. "Pero kung ayon ang gusto niyang mangyari edi okay. I respect that. Iintindihin ko pa rin siya. Minsan lang siya maging selfish pero bakit ang sakit sa'kin? Bakit sa dinami rami ng bagay na pwede niyang piliin yung sarili niya bakit doon pa sa choice na iwan ako?"

Iintindihin ko kahit hindi ko maintindihan.

"Rai, kilala mo naman si Yunah 'di ba?" I nodded. "A great pretender. She's a strong person no one can break through"

Totoo. Matatag siya sa lahat ng matatag. "Maiksi lang ang buhay ko" Napatingin ako sakanya.

"Wag mo sabihin 'yan!"

He just laugh. "Gago seryoso! Sinabi na sa'kin 'yon ng lola ko dati. Sabi niya maiksi lang ang buhay ko kaya gawin ko na lahat"

"Gusto mo bang umakyat sa rooftop ngayon? Mayroon akong secret doon"

I looked at him weirdly. "Bawal ka na lumabas ngayon"

Umiling siya. "Our lives are too short to obey those rules"

He's a free soul, indeed. Kilala ko si Justin for three years na naging magkaibigan kami sobrang dami kong natutunan sakanya; his wise words, his perspectives, his actions, and even him mismo. Dati akala ko hindi kami magkakasundo dahil nagsimula kami sa hindi magandang pagkikita dahil sa pag-aaway nila Ryan at Jacob pero naalala ko rin noon na mas pinili niyang makipag-ayos saamin kaysa i-tolerate si Jacob na tropa niya.

"Nag-ipon na ako dito kasi balak ko talaga gawin 'to kapag nagkausap tayo" Sabi niya habang may kinakalkal sa likod ng mga halaman.

Nilabas niya ang isang kulay pulang ice box at ini-abot ito saakin. "Seryoso?" He nodded.

Puro beer in can ang laman ampota paano niya 'yon naipon? Ang dami.

"Gago ka paano mo 'to naipon? Bawal ka nito ah" Tumawa lang siya at umupo sa bench kaya tinabihan ko.

"Matagal ko na kasi hinihintay yung ganitong pagkakataon?"

"Yung ano? Magbreak kami?" Pagbibiro ko.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon