#SIY
~~~~*~~~~
Yunah's POV
"WAAAAA PUTEKK NAKAKAHIYAAA!"
"AYOKO NA PROMISE HINDI NA MAUULIT!"
"GAGO KAHIHIYAN TALAGA!"
"Hooy Ate yung ingay mo rinig hanggang swimming pool!" Sigaw ni Yazzie.
Kanina pa ko gising tapos naalala ko yung ginawa ko kagabi kaya naman sigaw ako ng sigaw dito.
Putek sino ba naman kasi ang hindi mahihiya sa drunk call!? Kung text okay pa eh, pero call!? Halerr rinig kaya yung boses ko! Damn damn damn!!
Parang gusto ko na lang magpalamon sa kama na hinihigaan ko. Kanina pa ako pagulong gulong at binabalot ang sarili ko sa comforter.
Parang gusto ko na lang mamuhay bilang masarap na shanghai.
Nang makalma ko na ang sarili ko, naligo ako at bumaba. Since Christmas Break na, wala muna ulit kaming pasok and kalagitnaan na kami babalik sa school for 3rd sem.
Konti na lang matatapos na.
Nakain na sila Yazzie ng niluto ni Ate Cindy. "Yunah kain na" Tumabi ako kay Yazzie. "Ano na naman kabaliwan mo?"
Kumuha ako ng plato at sumandok ng ulam. "Mama mo kabaliwan" Aambahan niya ako ng suntok. "Mamaya na yan, nasa hapag kayo" Saway samin ni Ate Cindy kaya parehas kaming napatihimik.
Nagkayayaan kami magmall, gusto niya raw kasi mamili ngayon at nagpapasama siya. "Bakit ba sakin ka nagpapasama!? Wala kang friends?" Pucha may hangover pa ko eh. "Wala nga!" Napairap na lang ako.
Iba't ibang boutique ang pinasukan namin from bottom to top. Ako na nga lang 'tong pinilit isama, ako pa naging taga buhat ng mga pinamili niya. Instant driver na rin.
Nagtingin tingin din ako ng mga accessories kapag may natripan ako, bibilhin ko. Napansin ko yung magjowa sa gilid, naguusap sila ng masinsinan.
Sakit sa mata.
"Eto babe bilhin natin oh, ang cute" Narinig kong sabi nung babae. Napatingin ako sa lalaki, parang hindi siya mapakali at mahigpit ang hawak sa wallet. "Babe sorry ah 150 lang kasi naipon ko, nakakahiya naman humingi kay Mama"
I was really touch when the guy said that. He really has a good principle, based din sa tindig niya. "Hey okay lang, next time na lang" Nakangiting sabi ng babae. Teens this days do dates with their parents money.
Yung magulang nila kayod ng kayod pangkain, nag-iipon ng pera para makaahon tapos yung mga anak mga sadgirl or sadboy sa fb. Mga naghahanap ng jowa tas pera ng magulang nila yung gagamitin.
Unlike this couple, mukhang parehas nilang naiintindihan yung sitwasyon. Nakakaproud lang kasi yung effort niyo mag-ipon pang date lang.
Lumapit ako sa dalawa at sinadyang dumaan sa gitna nila. Mukhang nagulat pa sila sa ginawa ko. "Anong grade niyo na?" Tanong ko sa kanila. "Grade 11 po" Nakayukong sagot ng babae.
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceYou remember your first love because they show you, prove to you that you can beloved and loved that nothing in this world is deserved except love, that love is both how you became a better person. And until now, until this day, this, minute, this...