#SIY

~~~~*~~~~

Yunah's POV

"Hello Ma? Opo papunta na ko... dala ko na yung mga papers... pipirma lang naman ako don di ba? Sige po okay bye"

I'm going to Cavite today because I need to check our resort there, and Ej wants to come with me so hinayaan ko na lang.

"Ano tara na?" I nod, binuksan niya ang kotse at siya na daw ang magdadrive. "Saan tayo kakain ng breakfast?" He ask.

May nadaanan kaming Pancake House kaya dito na lang kami nagdecide na kumain, he ordered a Caramel Banana Walnut Pancake and a Green Mango Shake. Ako naman Chocolate Marble Waffle and a Grapes Shake.

"Hoy famous ka na noh?" Napatingin ako sakanya. "Ano?" He showed me his phone. Nakalagay sa screen yung Instagram profile ko. "Stalker?"

"Tanga! Hindi mo ko finafollow back! Last year pa kita nafollow! Parang hindi kaibigan amp" Teka bakit parang kasalanan ko pa? "Hindi ko nakita eh, sabog notif ko" kinuha ko yung phone ko. "Ano ba IG mo?"

Ngiting tagumpay naman ang loko. "@eeejay" pinindot ko ang follow back. Aba iba rin itong lalaking ito dahil meron lang naman siyang 75.8k followers sa IG pero tipid magpost dahil 187 post lang meron siya.

Nacurios ako sa IG Story ni Bano kaya tinignan ko. Yung una niya ay yung video habang nagdadrive siya tapos tinutok niya sakin yung cam, naka grainy filter. Yung pangalawa naman boomerang na sumusubo ako ng waffle.

"Hoy Edgardo! Tangina ka! Yung story mo! Ang laki ng bunganga ko!" Binato ko siya ng tissue at tumawa lang siya.

Siraulo.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa resort, according sa assistant ni Mama may meeting daw dito kaya ako muna ang aattend.

Grabeng proxy 'to ha!

Last time ako din nagproxy sa binyag. Proxy lang ako don ah wala akong inaanak na kailangan bigyan ng pamasko! Nakakaloka!

"Jay! Dito ka lang muna ha? Magmimeeting lang kami, saglit lang yon" Iniwan ko si Ej sa lobby at pumunta na sa board room.

Hindi naman talaga ako dapat nandito eh, kaso ako talaga yubg pumuproxy para sa mga magulang ko lalo na kapag malayo sila. As always bored ako sa meeting dahil puro usapan pang matanda.

Marami pa nga nagsasabi na ako daw yung Harrington na masama ang ugali dahil bihira lang ako tumanggap ng projects or mag-agree kapag ako yung nasa meeting.

Totoo naman kasi sinasabi ko eh, ang pangit ng pinipresent nila.

Nang matapos na ang meeting, naglibot muna ako sa resort and nag-assist ng mga guest, ganto gawain ko dito. Kilala na ako ng ibang staff at yung iba naman ay napagkakamalan pa akong guest.

Si Ej naman parang tuta na nawawala dahil kung nasaan ako nandon din siya. Nakakaloka lang dahil pati siya ay mapapagod din.

"Kaya pa Jay?" Tanong ko sakanya. Ngumiti lang siya at tumango.

2:30 na kami natapos mag-ikot ikot kaya nag-aya ako na maglunch sa burger king then mag-gagala na kami, hindi ko alam kung saan ang gala namin dahil ayaw sabihin ng loko.

Still Into You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon