#SIY
~~~~*~~~~
Yunah's POV
"Girl ano na?"
"Ano ba? ang tagal na naman ni Amore" its sunday and we decided to hangout, medyo matagal na rin kasi kaming hindi nakakapagsama sama because of our busy and different schedules. "Hoy sorry na nalate ako" dumating na si Amore.
"Gaga ilang minuto ka nang late! 10:30 ang usapan oh" we decided to have a lunch in UP Town since ang tagal na rin nung last gala namin dito. "Ay wow Iyah totoo ba yan? Oo nga 10:30 ang usapan, bakit 11:15 ka dumating?" napairap si Diane. "Ay Diane ikaw bakit 10:58 ka dumating? Ang tagal niyo! Ako ang pinaka-maagang dumating dito no!" ani ni Clare.
"Talaga ba? 10:30 pero 10:35 ka umalis sa bahay niyo!" kachat ko pa siya non kanina kaya alam ko kung anong oras yon. "Ay maaga kang dumating? te baka nakakalimutan mo magkasunod lang kayo ni Amore!" bawi ni Aliyah. "Nauna ka lang ng 5 minutes" dagdag naman ni Diane.
Natigil ang bangayan namin nang dumating ang waiter at nagbigay samin ng menu. Buti na lang talaga dumating si Kuya, kung hindi matagal pa kaming magbabangayan dito. Bigla na lang akong nahiya dahil nakatingin pala samin yung mga tao. Table lang pala namin yung maingay.
Ano kaya masarap kainin ngayon?
Umorder kami ng combo meal sa Casa Verde. "Southern Style Chicken, Casa Verde Platter and Country Fried Ribs" sabi ko sa waiter. "Drinks po Ma'am?". Tumingin ako sa kanila. "Iced tea na lang tsaka water" sagot ni Amore.
Habang hinihintay namin yung food nagchikahan muna kami. Catching Up ang tawag namin dito. Pinag-uusapan namin yung mga ganap sa buhay namin this past days tapos kung saan saan at kani-kanino napapadpad yung topic. Then biglang babanat si Aliyah ng out of topic so mawiwindang ang utak namin.
"So ayon na nga sino nga ang bagong jowabels mo Amore?" Tanong ni Clare. "Hoy wala nga!"
"Anong wala ha? Meron yan! Imposibleng wala!" Pang-aasar ni Diane. "Weh kala mo talaga eh no? Ikaw din naman D may jowa ka!" ganti ni Aliyah.
Nilabas niya yung phone niya at iniharap saamin. "Sino 'tong comment ng comment sa mga tweets at retweets mo ha?!". screenshot yon ng mga tweets ni Diane, inagaw ni Diane yung phone at inisa isa niya, pati yung mga comment sa mga post niya sa IG and also pati mga IG Story. "Oh may hangout hangout pa na nasa story mo!"
Maybe talagang magagamit ang mga screenshots sa tamang panahon.
"Jusmeyo Aliyah!! Bakit ini-stalk mo pa!... pinsan lang ng kaibigan ko! ang epal lang sa mga post ko"
"bakit parang in-denial ka?" Pang-aasar ni Clare. "Parang timang naman 'tong mga 'to!" Hinampas niya yung lamesa kaya lalo kaming nagtawanan nang makitang siya yung nasaktan hindi yung lamesa. "Can't relate ako". Napatingin silang apat sakin sabay taas ng middle finger ni Aliyah.
A moment of silence again dahil sa dessert na inorder namin. "Oo nga pala, malapit na birthday mo ah". Pagsisimula ko ng bagong topic. "Oy ano nga pala plano mo?". Tanong ni Clare kay Amore. "Well I don't have any plan yet"
"What!? wala ka pang plano? Girl 20 ka na!!". "Okay ganito na lang kami na lang ang magpaplan para sayo" Diane said. Agad naman nag-agree si Aliyah.
BINABASA MO ANG
Still Into You
RomanceYou remember your first love because they show you, prove to you that you can beloved and loved that nothing in this world is deserved except love, that love is both how you became a better person. And until now, until this day, this, minute, this...