39. Ang Ngayon o Ang Hinaharap?

29 2 0
                                        

Dalawang linggo ang lumipas, dalawang linggo ko rin na hindi nakausap si Andrei. Hindi ko rin alam kung sa mahabang araw na 'yon ay bumalik s'ya.

Pumasok na s'ya sa klase pero hindi ko mabasa kung sino sa dalawang Andrei ang nakikita namin ngayon.

"Tara, kain na tayo," pag-aaya n'ya. Nagkatinginan pa kami ni Lucas pero hinarang ni Andrei ng kamay n'ya para hindi kami nagkatinginan.

"Sa harap ko pa talaga," murmur ni Andrei sabay hawak sa kamay ko.

"Akala ko ikaw pa rin 'yong batang Andrei. Natatakot ako sa kanya. Ang dami n'yang tanong na baka masagot ko."

May inabot s'yang chocolate sa 'kin kaya nanlaki ang mata ko at tinanggap ko agad. Ang PG ko sa parteng 'yon tapos tawa nang tawa si Andrei sa 'kin.

"Pwede ka ba bukas? May inuutos kasi sa 'kin si Papa. Baka pwede mo naman akong samahan."

***

"Kaninong anak s'ya?"

Nawindang ako. Isinama talaga ako ni Andrei sa isang bahay at may inabot sa kanyang isang taong gulang na batang lalake. Pinapaalaga kay Andrei ang bata, half day lang naman daw pero malaking responsibilidad ang half day na 'yon.

"Pinsan ko 'tong bata. Yung mga mama namin, magkapatid."

"Hindi naman 'to ang first time mo mag-alaga ng bata?"

"Tatlong bata na ang naalagaan ko."

Medyo napanatag ako. At least alam kong marunong s'yang mag-alaga ng bata. Akala ko naman parehas kaming mangangapa dito.

"Tara, pupunta tayo sa supermarket. Bibili tayo ng gatas at diaper. May kick back ako dito kaya makakakain tayo ng merienda," full of energy n'yang pagbibida sa 'kin sa maki-kick back n'ya.

Ginamit namin ang kotse ng tito n'ya at sa'kin pinahawak ang bata. Behave naman si baby, ako lang ata ang hindi behave. Hindi behave ang isip ko ngayon. Para kaming mag-asawa na may kasamang anak na mamimili sa supermarket.

"Anong gusto mong kainin mamaya?" usisa ni Andrei habang karga n'ya ang bata at hinahanap ang brand ng gatas na pinabibili sa kanya habang ako ang tiga-tulak ng cart.

"Buti marunong kang mag-alaga ng bata."

"Pwede na nga 'kong mag-asawa. Ikaw ba? Ready ka na?" asar n'ya sa 'kin sabay kurot sa pisngi ko.

"Magkakaanak ba tayo sa future?"

Sa tanong kong 'yon, nag-iba ang ekspresyon ng muka n'ya at umiwas pa s'ya ng tingin sa 'kin kaya napagtanto kong tama ang kutob ko mula pa kahapon.

"Gusto ko sanang mag-walk out kaso naawa ako sa baby kung papabayaan kita dito," seryoso kong sabi sa kanya.

"Nakuha ko na ngayon. Yung umaagaw sa katawan ko ay 'yong ako sa hinaharap na magiging asawa mo, tama ba 'ko?"

Umiyak ang baby kaya nawala sa 'kin ang atensyon ni Andrei. "Babe, pasuyo naman, patimpla ng gatas. May bote na sa loob ng bag, may tubig na. Ihahalo mo na lang yung gatas—ayan tama, tama."

T-Teka! Tama ba dinig ko! Tinawag n'ya akong babe!

"Anong pinagsasabi mo!"

"Kung tayo naman pala ang magiging mag-asawa sa future, mag-practise na tayo magtawagan ng babe ngayon pa lang."

"Kailangan bang nakangiti ka habang nagpapa-dede ng bata?"

"'Wag mo 'kong tingnan! Hindi ako makapag-concentrate!"

S'ya pa rin ba 'yong walang pusong spoiled brat na kinakaasaran ko? Ang mature na n'ya ngayon tingnan. Ang manly n'ya habang nagpapadede ng bata.

"Hindi natin sigurado kung anong meron sa atin sa future pero diba ang mas importante ay yung ngayon?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon