"Minahal n'ya ang bidang karakter sa kwento at ginawa n'ya ang lahat para sa kanya mapunta ang pagmamahal ng bidang lalake."
"A-Anong ginawa n'ya sa bidang babae?"
"Pinatay n'ya, kaya bilang kaparusahan pinahaba ang buhay n'ya."
"Ang ironic naman no'n."
"Pinahaba ang buhay n'ya, makitang mabuhay at mamatay ang mga mamahalin at maging mag-isa sa mundong 'to."
"Sa tingin ko, mabigat nga na parusa 'yon."
Parehas siguro kami ng iniisip ngayon at kaninang pinag-uusapan pa rin ang tumatakbo sa mga isip namin. Si Angela at ang parusa n'ya. Kaya siguro gano'n na lang ang pagpigil n'ya kay Andrei, natatakot s'yang maranasan din ng iba ang mga naranasan n'ya.
"Ikaw? Parusa din ba sa 'yo 'to?"
Ngumiti si Vien at ngumuso, itinuro ang dalawang customer na kapapasok lang ng store.
"Saka na ang story telling. May customer na tayo," nakangiti n'yang sagot.
Masasabi kong totoo ang ngiting ipinakita n'ya kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Umaasa akong iba ang kwento n'ya at kabaliktaran ng nangyari kay Angela.
***
"B-Bakit may dala kang rabbit sa school!" hysterical kong tanong kay Lucas. Pinagkakaguluhan na tuloy ng mga buong klase ang dala n'yang rabbit, lahat gustong makita at ang iba gusto pa ngang mahawakan.
Sa kabilang banda, kanina pa kami nakakarinig ng bahing nang bahing. Pagsilip ko, si Andrei pala. Namumula na ang mata at ilong. Ano na naman kayang sakit n'ya? Napakahina talaga ng immune system ng taong 'yon.
"Gustong ibenta ng Papa ko ang rabbit ko kaya tinakas ko," mapakla n'yang sagot. "Kung hindi n'ya ibebenta 'to, baka gawin n'yang pulutan."
"Pahawak naman n'yan!" pakiusap ng isa kong kaklase.
"Ako din."
"Ako kahit ikaw na lang ang mahawakan ko, Lucas!" tili ng kaklase kong beki kaya nagtawanan ang lahat.
"Baka 'di mo kayanin kapag ako ang nahawakan mo," pagsakay ni Lucas sa biruan kaya ayun halos mahimatay sa kilig ang isa.
"Ikaw muna mag-alaga. Kukunin ko din sa 'yo. Mga ilang araw lang."
Napaka-cute ng rabbit pero sobrang laki n'ya na parang pusa na. Ano bang pinapakain ni Lucas sa kanya at muka mutated na si rabbit dahil mas malaki pa s'ya sa full grown na pusa.
Pagsilip ko ulit sa kinauupuan ni Andrei wala s'yang kibo. Ni hindi s'ya interesado sa mga nagaganap. Hindi s'ya si Andrei. Tatlong araw na kaming hindi nag-uusap. Tatlong araw nang ibang Andrei ang nasa katawan na 'yon.
Babalik pa kaya ang Andrei na hinihintay ko? Dati ilang minuto lang na nasundan ng ilang oras at ngayon ay ilang araw naman. Habang tumatagal, mas humahaba ang panahon ng pagbabalik n'ya.
"Hindi ba kayo tatahimik?" pagsusungit ni Andrei pagkaalis n'ya ng headset sa tenga n'ya. Iritable ang itsura at napakasensitibo. Siguro dahil may sakit na naman s'ya ngayon.
"Vanilla, pakalmahin mo ang boyfriend mo," asar ng beki kong kaklase na si Hugo.
Lumingon lang ako at wala sa mood na tiningnan si Andrei. "Hindi ko s'ya kilala," sagot ko habang nakatitig kay Andrei na nakasimangot sa 'kin. S'ya kasi 'yong Andrei na hinayaan akong malunod. Kung may dapat managot sa nangyari noon, s'ya 'yon.
Tumahimik tuloy ang lahat at hinawakan ni Lucas ang pisngi ko para itabing ang ulo ko. Sa harapan na ako tumingin at hindi sa likuran kung saan nakaupo ang taong 'yon.
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasíaA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
