34. Pagkalunod sa Kalungkutan

32 1 0
                                        


Nagkaayaan ang buong klase na mag out of town, may camping daw kami! Olryt! Maganda ang panahon, maganda ang sikat ng araw at katamtaman lang ang init. Nakakatanggal pa ng problema ang kulay berdeng paligid na sinabayan pa ng masarap na ihip ng malamig-lamig na hangin.

Masaya sana ang araw na 'to kung hindi lang sinira ng pagdating ng hindi inaasahang bisita, ang batang Andrei. Nasa kalagitnaan kami ng araw na 'to nang sumulpot s'ya at sinira ang araw ko.

"Uuwi na 'ko," pagsusuplado n'ya. Lakad s'ya nang lakad palayo sa camp. Bakit ngayon ka pa lumabas! Siguradong magtataka ang mga kaklase namin sa biglaang pagbabago ng asal n'ya.

"Malayo 'to. Wala kang masasakyan pauwi," awat ko sa kanya. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa camp, ayokong maligaw kami pabalik mamaya, kung makakabalik pa nga ako na kasama s'ya.

"Maglalakad ako pauwi."

"Bakit 'di ka na lang makisama, noh? Kung ayaw mo sa 'kin, makisama ka kaya sa iba nating kaklase?"

"Hindi ako interisado."

Nagtuloy-tuloy pa rin s'ya sa paglalakad na panay ang reklamo at pangbabara sa 'kin. Natutulig na 'ko sa mga pinagsasabi n'ya.

"May nangyayari sa 'kin. May kinalaman ka ba dito?" tanong n'ya na kinahinto namin parehas. Nagkatinginan lang kami.

"Hindi ko alam ang isasagot ko."

"Tumigil ka sa paghahabol sa 'kin. May gusto akong iba kaya itigil mo na 'yang pag-iilusyon mo."

"Alam ko. Si Elizabeth, diba?"

Nangangatal ang boses ko sa pagtatanong sa kanya. Kahit alam ko naman na sa dulo ako ang mamahalin n'ya, bakit kaya nasasaktan akong makumpirmang may minahal s'yang iba bago ako?

"Alam mo naman pala. Bakit lapit ka rin nang lapit?" nakangisi n'yang asar sa 'kin. Para akong napahiya sa sinabi n'ya.

Naglalakad kami sa may gilid ng ilog, malakas ang agos. Natatakot man akong dumaan sa makipot na apakan ay naglakas loob ako para lang hindi mawala sa pangingin ko si Andrei.

"Mali 'yang dinadaanan mo! Hindi ka makakalabas dito! Maliligaw lang tayo sa pinaggagawa mo!" sigaw ko sa sobrang pagkayamot.

"Edi 'wag mo 'kong sundan. Ganun ka simple."

Sa sobrang pagkaasar ko sa kanya ay hindi ko natingnan nang mabuti kung saan aapak ang paa ko kaya nadulas ako at na-out of balance saka nahulog sa ilog na may malakas na pagragasa ng tubig.

Wala nang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na 'to kundi puro katapusan. Mamamatay na ba ako? Ngayon na ba 'yon? Hindi lang ako nalunod sa tubig, nalunod din sa takot.

May isang kamay na humawak sa 'kin at iniligtas ako sa rumaragasang agos ng tubig.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Ang nararamdaman ko lang, hindi na ata ako humihinga. Nakalimutan ko na bang huminga? Napaubo ako at panay tubig ang lumabas sa bibig ko. Nanghihina ako. Nakahiga lang ako sa damuhan habang hinihingal si Lucas na nakatingin sa 'kin, tulad ko, basang-basa rin s'ya.

S'ya ang nagligtas sa 'kin.

Hinagilap ko si Andrei. Wala s'ya. Umalis na s'ya. Iniwan na 'ko.

***

Hinatid ako ni Lucas hanggang sa gate ng bahay namin, para kasi akong basang sisiw hindi dahil basa pa rin ako ngayon, kundi sa nararamdaman kong lungkot. Napagod ako. Walang tigil ang pag-iyak ko kanina sa halo-halong pagkaasar at pag-iisip na muntik na akong mamatay.

"Smile naman d'yan," sabay pisil sa pisngi ko. Mula ng iwan ako ni Andrei, si Lucas ang umalalay sa 'kin hanggang makauwi dito. Utang na loob ko sa kanya ang buhay ko.

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon