Hindi ko pa s'ya kayang makausap na parang walang nangyari. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko na kamuntikan na akong mawala sa mundo dahil sa kanya, kahit alam ko rin sa sarili kong hindi naman talaga s'ya 'yon.
May humawak sa kamay ko nang tangkain ko s'yang iwasan, hinihintay n'ya ako sa gate.
"M-May trabaho pa 'ko. Saka na tayo mag-usap," malungkot kong sabi sa kanya na hindi man lang makatingin sa kanyang mata.
Hindi s'ya sumagot at pinakawalan ang kamay ko, iniwan ko s'ya pero nakasundo s'ya sa 'kin sa likod.
Malungkot ang hapon na 'to 'di tulad ng mga nakaraang araw.
Napatuon ang mata ko sa mag-ina na naglalakad na masasalubong ko.
Tatakbo pa sana ako nang makitang madadapa ang bata nang bumitiw sa kanyang ina.
Nagulat na lang ako nang muling hawakan ni Andrei ang kamay ko.
Natakot ako nang parang huminto ang paligid—hindi, huminto ang oras. Tumigil ang lahat. Pati ang bata na kanina ay madadapa na, nakalutang ngayon. Ang mga sasakyan, huminto sa pagtakbo. Parang nasa loob ako pelikula na may kung sinong nagpatigil ng oras.
Kami lang ni Andrei ang hindi naapektuhan ng paghinto ng mundo.
Mali. May dalawa pang tao na naglalakad papalapit sa direskyon naming dalawa.
Kinukutuban akong isa sa kanila ang may gawa nito.
"Napaaga ang pagkikita nating dalawa."
Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan nang marinig ang boses ng lalakeng kasama ni Angela. Kilala ko s'ya. Kilala ko ang matandang lalake na kumakausap ngayon kay Andrei.
Nakasuot s'ya nang napaka-pormal na brown suit at may suot na brown din na fedora habang si Angela naman ay nakasuot ng pulang dress at napakapula rin ng labi habang naka-ponytail ang kanyang buhok.
Parehas silang sumulpot sa buhay ko sa 'di inaasahang pagkakataon. Dahil ba lahat 'to sa ginagawa ni Andrei?
"Nakangiti ako nang ipinanganak ka."
Pakiramdam ko hindi dapat ako kasali sa tagpong ito at hindi ko dapat naririnig ang pag-uusap nila.
"Nakita ulit tayo," nakangiting tugon ni Andrei, nagkita na ba sila dati?
"Watch your manners, bata," banta naman ni Angela.
"Ang dami kong tanong na gusto kong mahanapan ng kasagutan pero ngayong kaharap na kita, hindi ko na halos maalala."
"'Wag kang mag-alala, anak. Hindi ito ang huli nating pagkikita," nakangiti ang lalake sa kanya.
Nakita kong bahagyang itinaas ng lalake ang kanyang kanang kamay at ipinitik ang daliri.
Halos manlaki ang mata ko nang muling bumalik sa normal ang lahat, kumikilos na ang mga taong kanina ay halos batong hindi gumagalaw.
Narinig ko rin ang pag-iyak ng batang nadapa at ang pagbusina ng mga sasakyan. Muling tumakbo ang oras na kanina ay pinahinto ng lalakeng nawala na sa paningin namin ni Andrei ngayon.
Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Andrei. Halata sa kanyang muka ang pagkabalisa. Tiyak na marami tumatakbo sa isip n'ya ngayon.
"S'ya ang boss ko sa part time job ko, Andrei."
Naalala ko na rin, ang boss ko at ang lalakeng nagbigay sa 'kin ng mansanas sa ospital ay iisa lang. Anong nangyayari? Matagal na silang nasa loob ng kwento na hindi man lang namin namamalayan?
"A-Ang kamay ko," paabiso ko para bitawan na n'ya ang kamay ko. Ang awkward ng tinginan naming dalawa bago s'ya bumitaw.
***
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasíaA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
