Pinapanood ko pagsayaw ng mga dahon dahil sa malakas na hangin. Tanghaling-tapat. Marami akong nakain sa canteen kaninang lunch kaya nag-aaya na ang katawan kong umidlip muna.
Papikit-pikit na ako dito sa ilalim ng talisay, lalong nadadagdagan ang antok ko dahil sa katamtamang init ng panahon at masarap na simoy ng hangin.
"Vanilla," tawag sa akin ng isang masuyong tinig pero hindi n'ya ako maaagaw sa paghatak sa 'kin ng antok ko.
Gusto kong idilat ang nakapikit kong mga mata para makita kung sino itong kumakausap sa 'kin, isang bulto lang ng lalake ang nakita kong nakatayo sa tabi ko ang tanging naaninag ko.
"Late na ba 'ko!"
Ilang oras ba akong nakaidlip? Lagot. Patapos na ang first subject for afternoon class! Bakit ba kasi ako nagpunta dito! Napasarap tuloy ang tulog ko!
T-Teka? May nagpatong sa likod ko ng blouse na school uniform namin. Kay Lucas siguro 'to. Badtrip. 'Di man lang ako ginising.
Pagkuha ko sa blouse at pagsilip sa nakaburdang apelyido sa ilalim ng school logo, nakita ko ang apelyido ni Andrei. Bumalik na kaya s'ya? Alam n'yang paminsan-minsan ay natambay ako sa ilalim ng talisay para umidlip.
Puno ako ng kaba pagbalik sa room, una dahil mapapagalitan ako at pangalawa ay dahil umaasa akong nagbalik na ang Andrei na hinihintay ko.
Pagsilip ko sa pintuan, sinipat ko pa si Andrei. Nakasuot lang s'ya ng pang-ilalim na white T-shirt. Sana s'ya na si Andrei na gusto kong makita. Sana hindi na s'ya 'yong walang pusong spoiled brat.
"Nodque!"
Nataranta ang lahat ng dugo ko sa katawan nang makita ako ni ma'am. Anong gagawin ko?
"Napasarap na naman ba ang tulog mo sa ilalim ng talisay?" sermon ni ma'am habang nakayuko akong pumasok sa room. Nakakahiya. Wala na akong mukang ihaharap sa lahat.
"Dapat pala hinalikan kita kanina para nagising ka, Sleeping Beauty," pabulong na asar ni Lucas nang maupo ako sa tabi n'ya.
"Halikan mong swelas ko. Hindi mo man lang ako ginising kanina," sumbat ko.
"Aba nanisi pa. Tulog-mantika ka kaya hinayaan na kita. Baka kasi wala kang maayos na tulog kagabi kakaisip sa 'kin," pabulong n'yang joke at gusto kong masuka.
Pagkalabas ni ma'am para akong kidlat na lumapit kay Andrei at ipinatong sa table n'ya ang uniform.
"Salamat."
Huminto sa pagkalikot sa cellphone n'ya at tinitigan ako.
"Akala ko ba ayaw mo nang magpansinan tayo ulit? Hindi mo mapanindigan?"
Nanlumo akong malaman na hindi pa pala s'ya bumalik. Na itong kasama namin ay hindi pa rin si Andrei na hinihintay ko.
"Salamat. Kung pwede lang sana maglakad 'yang uniform mo pabalik sa 'yo hindi kita lalapitan."
Tinalikuran ko s'ya at napatulala ako pagbalik ko sa upuan. Babalik ka pa ba, Andrei?
Natapos ang klase, naghahanda na ako para lumabas ng classroom, kailangan ko nang dumiresto sa part time job ko.
Natanaw ko si Andrei na nakatayo sa labas ng gate, ayokong magkaroon ng kahit na anong kaugnayan sa kanya ngayon, masisira ang kwento namin. Iniwasan ko s'ya at sumabay sa buhos ng mga estudyanteng papalabas ng gate. Nagtago sa kanila para hindi mahagip ng paningin n'ya. Nang makalagpas ako sa kanya ay dali-dali akong naglakad ng mabilis para tuluyan nang makalayo. Normal na akong naglakad nang malayo na ako mula sa school. Tinitipid ko ang lakas ko para aabot pa 'to hanggang mag-uwian.
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
