Chapter 11

901 13 1
                                    

Nanlaki ang mata ko nong makita ko si Adam! Hindi ko ini-expect na pupunta sya since sinabi nya na hindi daw sya available.

"Akala ko ba hindi ka darating?" Tanong ni ninang sa kanya.

"Pinayagan akong mag leave." Nakatayo sya sa may entrance hawak ang maliit na maleta.

Muntik na akong tumakbo palapit kay Adam mabuti na lang napigilan ko ang sarili.

"O Adam! Nandito ka pala, akala ko hindi ka sasama?" Bungad ni mommy nong makita nya si Adam paglabas nya ng kwarto.

Tumaas ang isang kilay ni Adam. "Seriously kayong tatlo lalabas ng ganyang suot?" Tinitigan nya kami mula ulo hanggang paa.

"Bakit anong problema sa suot namin? As if kami lang sa beach ang naka two piece." masungit na sabi ni ninang kay Adam.

"Hey Adam! Buti nakahabol ka." Lumapit si kuya Chad kay Adam at inakbayan ito. "Tumawag sya sa akin kaninang madaling tinanong nya yong location buti nga at nakahabol sya."

"Pinayagan mo ang ate ko na magsuot ng ganyan?" Itinuro nya si ninang.

"Wow! Love ang sexy mo!"
Lumapit si kuya Chad kay ninang at ginawaran nya ito ng halik sa labi.

Napailing na lang si Adam. "Kung ako ang boyfriend nyan hindi ako sya papayagang magsuot ng ganyan."

Nag init ang mukha ko sa sinabi ni Adam. Pinaparinig nya ba yon sa akin.

"Napaka old fashioned mo!" Inis na wika ni ninang.

"San ba ang kwarto ko?"

"Don bro, nilaan ko talaga yan para sayo." Itinuro ni kuya Chard yong kwarto sa dulo. Lumakad si Adam at tinungo ang kwarto habang hatak hatak ang maleta.

Gusto ko sanang sumunod kay Adam. Gusto ko syang yakapin, gusto ko syang halikan, gusto ko syang kamustahin pero pinigilan ko ang sarili ko. Siguradong pagagalitan nya ako pag ginawa ko yon. Kailangan ko mag behave, nangako ako sa kanya.

"Clarissa tara na at pipicturan kita." Yaya ni Justin sa akin. Nasa labas na sya ng cottage. Nakasabit ang dslr sa leeg nya.

"Marunong ka ba?"

"Oo naman!"

Sumunod ako kay Justin, pumunta kami sa mga beautiful spot at nag ala FHM ako kunwari. Feel na feel ko ang mga sexy pose kaya may mga ilang napapatingin sa amin. Si Justin kasi akala mo talaga professional photographer may padapa dapa pang nalalaman.

"Wow! Ang sexy ko rito." Isa isa kong tiningnan ang picture sa camera.

"Syempre magaling kaya ang photographer mo."

"Tangek yong model talaga ang nagdala."

"Uy Adam!" Napalingon ako sa direksyong tinitingnan ni Justin. Nakita ko si Adam nakatayo sa ilalim ng puno, nakahalukipkip ang dalawang kamay at masamang ang pagkakatitig sa amin. "Gusto mo bang magpapicture? Picturan ko kayo ni Clarissa."

Natuwa ako sa mungkahi ni Justin.

"Sige lang mag enjoy lang kayong dalawa, mukha namang feel na feel ni Clarissa ibalandra yang katawan nya." Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tinalikuran nya kami at lumapit sa kinaroroonan nila mommy.

"Problema non?" Nagkatinginan kami ni Justin.

"Hayaan mo na lang sya, tara doon naman tayo, maganda ang background don.

Bago sumunod kay Justin muli kong nilingon si Adam na ngayon ay nakikipagtawanan na kila ninang.

"Sungit meron sigurong dalaw yon."

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon