Chapter 8

951 8 2
                                    

"Hello Adam!"

"Anong ginagawa mo sa Cebu Clarissa?" Bakas sa tono ng boses nya ang galit.

"Namimiss na kasi kita Adam!"

"What the f*ck! Nasisiraan ka ba ng ulo?"

Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Hindi kasi ganito ang inaasahan ko. Hindi ba nya ako namimiss kahit konti?
Alam kung suntok sa buwan na mamiss nya ako pero umasa ako kahit konti na may nararamdaman din sya para sa akin.

"Wag kang aalis dyan sa lobby pupuntahan kita."

Yong pagdaramdam ko sa kanya napalitan ng excitement, sa wakas magkikita na rin kami makalipas ang ilang buwan. Umupo ako sa couch, kinuha ko ang make up sa sling bag para mag retouch.

Malayo pa lang tanaw ko na ang nakasimangot na mukha ni Adam. Nakakunot ang kanyang noo, bakas sa mukha nya ang galit.

"Hi Adam I-"

Paglapit nya sa akin agad nitong hinawakan ang braso ko at hinatak palabas ng office. Binuksan nito ang sasakyan na nakaparada sa labas ng office. Kinuha nya ang maleta ko at inilagay sa backseat. Inutusan nya akong sumakay sa kotse bago sya pumunta sa driver seat.

Walang imik na pinasibad nya ang sasakyan.

"Hindi mo ba ako namiss Adam?"

Balak ko sana syang halikan pero umiwas sya.

"Magsuot ka ng seatbealt." Ang atensyon ay nasa daan

Sumimangot ako at padabog na isinuot ang seatbelt. Excited akong makita sya pero ni titigan ako hindi man lang nya magawa.

"Ihahatid kita sa airport at ibobook ng flight pauwi. Bumalik ka na sa Maynila!"

"Ano? Pumunta ako sa Cebu para makita ka tapos sasabihin mo umuwi lang ako. Hindi ako uuwi hanggat hindi mo ako kinakausap!"

"Pwede ba Clarissa tigilan mo na yang pagiging bratinela mo! Uuwi ka sa ayaw at sa gusto mo!"

"AYOKO! Hindi ako uuwi. Kahit dalhin mo ako doon hindi ako sasakay ng eroplano! Uuwi lang ako kapag kinausap mo na ako."

Hinampas ni Adam ang manibela ng sasakyan at pagalit nya akong tiningnan. Pagdating sa stop light nag u-turn sya pabalik.

"San mo ako dadalhin?"

"Dadalhin kita sa apartment, wag kang aalis doon hanggat hindi ako bumabalik."

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Yes boss!"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya at muling ibinalik ang tingin sa daan. Pagdating sa apartment na tinutuluyan nya. Kinuha nya ang maleta at binuhat paakyat ng hagdan. Nasa 3rd floor ang tinutuluyan ni Adam. Maganda ang view at maaliwalas ang paligid ng apartment.

"Walang pagkain sa ref kaya umorder na lang ako ng pagkain mo. Wag na wag kang lalabas ng apartment, antayin mo akong dumating."

"Oo naman iintayin talaga kita kaya nga ako pumunta dito," nakangiti kong wika.

"Wag kang papasok sa kwarto ko, maliwanag."

"Oo na! Sungit!"

Nagring ang phone ni Adam, kinuha nya ito sa bulsa. Tumingin muna sya sa akin bago sinagot ang tawag.

"Lumabas lang ako sandali ng office, babalik din ako. Hindi wag na, ako na lang ang pu-"

Tuluyan ng lumabas si Adam na hindi man lang nagpapaalam sa akin. Abot tenga ang ngiti ko sa sobrang saya. Makakasama ko si Adam sa apartment. Sobrang miss na miss ko na sya.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon