Chapter 14

818 14 3
                                    

"I love you more, Catalina!"

"C-cata-lina?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Tiningnan ko si Adam ngunit nakatulog na sya.

Tama ba ang rinig ko? Catalina ang sinabi nya at hindi Clarissa?

Umalis ako sa kanyang ibabaw at isa isang isinuot ang saplot na nagkalat sa sahig.

Kanina pa ako pagulong gulong sa higaan pero hindi ako makatulog. Paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi ni Adam. Bumangon ako at naupo, tinitigan ko si mommy na mahimbing na natutulog sa kabilang kama.

Imposible, lasing lang si Adam kaya maaring nagkamali sya ng pagbanggit ng pangalan, since parehas kami ni mommy ng initial. Tama, possible nga na ganon ang nangyari.

Muli akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko alam kung ilang beses akong bumuntong hininga bago dalawin ng antok. Halos mag uumaga na nong makatulog ako. Pag gising ko tirik na ang araw at kailangan na namin mag impake para magcheck out. Nalaman ko kay Justin na maagang umalis si Adam para bumalik ng Cebu dahil mayroon daw itong importanteng ka meeting.

Panay ang tingin ko kay mommy na kasalukuyang nag iimpake ng mga gamit.

"Mommy!"

"Hmm?" Tumigil sya sa ginagawa at tumingin sa akin.

"Yong tungkol po sa-. . . " Sandali akong natigilan, hindi ko alam kung dapat ko ba iyong itanong.

"Tungkol sa?"

"Ahm, wala po."

Sa huli, hindi ko nagawang itanong sa kanya. Nawalan ako ng lakas ng loob para kumpirmahin ang tungkol sa mga hinala ko. Natatakot ako sa maari nyang isagot.

Buong byahe ay tahimik lang ako. Pilit kinakalimutan ang mga agam agam.

"Clarissa, anak, ok ka lang?" Tumingin ako kay mommy pero agad ding inilihis ang tingin.

"Yes mommy, masakit lang po ang ulo ko.

"Matulog ka na muna mahaba pa naman ang byahe."

Gusto kong matulog, gusto kong kalimutan ang lahat, pero binabagabag ako ng maraming katanungan. Para akong masisiraan ng ulo kakaisip.

Pagkababa ng eroplano agad kong binuksan ang cellphone. Nakareceived ako ng text message from Adam. Ininform nya sa akin na nasa Cebu na sya at tinatanong nya kung nakauwi na ba kami.

Nagreply ako kay Adam para ipaalam sa kanya na nakababa na kami ng eroplano. Makalipas ang ilang minuto muli syang nagreply.

Take care always, I miss you Clarissa!

Kinilig ako sa simpleng reply nya sa akin. Di ko mapigilang hindi ngumiti. Para akong nabunutan ng libo libong tinik sa dibdib. Lahat ng agam agam ko tuluyang nawala. Mahal na mahal ko si Adam. Hindi ko yata kakayanin kapag iniwan nya ako.

Naging normal naman ang lahat pagkabalik namin ng Manila. Nagtetext sa akin si Adam tapos tuwing gabi magkavideo call kami. Tuluyan kong nakalimutan yong sinabi nya sa Palawan.

"Adam, kailan ka ba babalik dito? Miss na miss na kita!"

"Hindi ko pa alam pero baka matagalan pa ako dito sa Cebu."

"Kung malapit lang ang Cebu linggo lingo kitang pupuntahan dyan." Tumawa sya sa sinabi ko.

"Makakabalik ka na kaya sa birthday ko? Malapit na ang 18th birthday ko. Sana makauwi ka bago ako magbirthday."

"Ang bilis ng panahon, dalaga na ang baby Clarissa namin."

"Baby ka dyan!" Tumawa sya. "Baby mo lang ako pero di na ako baby. Gusto mo gawa na lang tayo ng baby." Sabay hagalpak ko ng tawa.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon