Chapter 16

827 13 2
                                    

"I like you Clarissa! I know this is not the appropriate place and time but I want you to know, I like you!"

"I'm sorry Julian, pero hindi ko kayang suklian ang pagtingin mo sa akin. Alam ko ang pakiramdam ng paasahin at ayokong iparamdam iyon sayo." Muli akong naglakad at nilampasan sya.

"Handa akong sumugal, handa akong maghintay hanggang buksan mo ang puso mo sa akin. Maghihintay ako Clarissa, kahit gaano katagal."

I rememeber those words, iyon ang palagi kong sinasabi kay Adam. Nakakatawa, ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag ipinipilit ko ang sarili ko sa kanya.

Lumingon ako kay Julian pagkatapos ay ngumiti. "Kung natuturuan lang ang puso Julian di sana walang nasasaktan."

Tama, hindi lahat ng sumusugal sa pag ibig nagwawagi, at hindi lahat ng naghihintay sa pag ibig sinusuklian ng pagmamahal.

Kahit umuulan hindi nagpatinag sa pagbagsak ang mga luha ko. Kung pwede lang sanang hugasan ng ulan ang sakit na nararamdaman ko di sana nabawasan ito kahit konti.

"Clarissa anak!"

Narinig ko ang mahinang katok ni mommy sa pinto. Hindi ako nagsalita, nanatili akong nakataklob ng kumot.

"Anak may problema ka ba? Sabihin mo naman sa akin kung may problema ka, nag aalala ako sayo." Nanatili pa rin akong tahimik.

Isang linggo na ang nakalipas mula nong magkita kami ni Adam. Nong gabing iyon, ni hindi man lang nya ako hinabol, ni hindi man lang sya nag alala sa akin kahit konti. Mabuti pa si Julian nag alala nong makita nya akong basang basa ng ulan. Pinilit nya akong ihatid pero tinanggihan ko sya. Ayokong magkautang na loob o bigyan sya ng pag asa kung alam ko naman na hindi ko kayang suklian ang pagtingin nya sa akin. Ayokong gawin sa kanya ang ginawa sa akin ni Adam. Pero dahil mapilit si Adam napilitan akong magpahatid sa kanyang driver.

Nagtaka si mommy pagkauwi ko nong makita nya akong basang basa dahil sa ulan. Ilang beses nya akong binalak kausapin pero hindi ko sya kinausap. Mas pinili kong magkulong sa kwarto.

Matapos kong magmukmok sa kwarto ng ilang araw nagdecide ako na lumabas at maghanap ng malilibangan. Gusto kong makalimutan si Adam. Gabi gabi akong pumupuntang bar para magparty at uminom. Hindi ko kasama ang tropa mag isa lang akong pumunta roon. Ayokong malaman nila na may problema ako. Ginamit ko ang fake Id na inibinigay ng tropa  para makapasok sa bar.

"Clarissa anak, ano bang nangyayari sayo? Bakit ka nagkakaganyan? May problema ka ba? Gabi gabi ka na lang umuuwi ng lasing." Bakas sa tono ng boses ni mommy na nagtitimpi sya ng galit.

Marahil ay hindi pa sinasabi ni Adam kay mommy na alam ko na ang tungkol sa kanilang dalawa.

"Anak naman nag aalala ako sayo, kung may problema ka pwede mo naman akong sabihan. Handa akong makinig sayo wag naman yong ganyang gabi gabi ka na lang naglalasing. Mommy mo ako pwede kitang tulungan."

Tumawa ako sa sinabi nya. "Kapag ba sinabi ko sayo ang problema ko matutulungan mo ako? Sana nga ganon kadali lang yon mommy."

"Clarissa!"

Bago nya pa ako sermunan pumasok na ako sa kwarto at pabalya kong isinara ang pinto. Nilock ko iyon saka sumalampak sa kama. Sa sobrang kalasingan mabilis akong nakatulog.

Naging habit ko na ang uminom ng alak para lang makatulog. Gabi gabi akong umiinom sa bar kaya gabi gabi din akong hinahanap ni mommy. Pinapatay ko lang ang phone para hindi nya ako matawagan.

Medyo may tama na ako ng alak habang nakikipagsayaw sa dalawang lalaki na nakilala ko sa bar. Naramdaman ko ang kamay ng lalaking nakapwesto sa likuran ko ng hawakan nya ang aking bewang. Dahil crowded sa dance floor halos magkadikit na ang katawan nya sa likod ko. Ramdam ko ang kanyang alaga na dumidikit sa aking puwet na tila sinasadya nya talagang idikit ang kanyang pagkalalaki. Ang isa namang lalaking na nasa harap ko ngayon ay sinakop ang aking labi. Walang sawa nitong hinalikan ang mapula at malambot kong labi. Tila ito gutom na gutom sa paraang ng kanyang paghalik. Ang isa nyang kamay ay nagsimulang gumalaw. Hinawakan nya ang kanan kong dibdib saka minasahe. Sa sobrang kalasingan wala na akong pakialam sa ginagawa nila sa aking katawan.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon