"Hindi ba nagseselos ang asawa ni Mr. Saavedra?"
"Asawa? Si Adam?"
"Oo, palagi kasi silang magkasama ni Veronica tapos ang sweet sweet pa nila." Biglang humagalpak ng tawa si Gavin.
"Clarissa, saan mo nakuha yang balitang yan? Matagal ko ng kilala yang si Adam pero ngayon ko lang nalaman na may asawa na pala sya."
"Ha? Anong ibig mong sabihin na ngayon mo lang nalaman?"
"Ano ka ba Clarissa, wala pang asawa si Adam. Gwapo lang iyang kaibigan ko pero single na single pa yan."
"Single? Si Adam? Paanong-"
Paanong nangyari na single si Adam? Hindi ba't ikinasal sila ni mommy? Hindi ba natuloy ang kasal nila? Paanong-. . . . impossible.
"Ayos ka lang ba Clarissa?" Tulala pa rin ako. Hindi nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi nya.
All this time para kaming tangang dalawa ni Adam na nag iiwasan. Ang buong akala ko kasal si Adam kay mommy habang ako, ipinangangalandakan ko sa kanya na may asawa na ako.
"Ayan na pala si Adam bakit hindi na lang sya ang tanungin mo about dyan." Napatingin ako sa direksyong inginunguso ni Gavin. Magkasamang pumasok sa loob sila Veronica at Adam habang seryosong nag uusap.
"Ah- G-avin, k-ailangan ko na pa lang umuwi."
"Ha? Bakit? Teka, kaya mo bang umuwi mag isa, gusto mo bang ihatid na kita?"
"No! Ah, hindi na kailangan, kaya ko pa naman ang sarili ko, saka hindi pa naman ako lasing." Agad akong tumayo na lalong nagpadagdag sa pagkahilo ko.
Muntik na akong ma-out of balance mabuti na lang naalalayan ako ni Gavin. "Sigurado ka bang kaya mo?"
"Oo, okay lang ako, kaya ko pang tumayo. Naalala ko, hinihintay pala ni Mr. Russo yong report na ipinapapasa nya sa akin." Pagsisingungaling ko sa kanya.
Ang totoo nyan hindi ko kayang harapin si Adam ngayon matapos kong malaman ang totoo tungkol sa kanya. Hindi pa nagpaprocess iyon sa utak ko.
"Teka ihahatid na lang kita." Tumayo si Gavin.
"It's okay Gavin, papara na lang ako ng taxi sa labas."
"Pero Clarissa-
"Gavin!" wika ng pamilyar na boses mula sa likuran ko. Kinagat ko ang ibabang labi.
"Ahm, Adam, ihahatid ko lang sana si Clarissa pauwi medyo nahihilo na-"
"I'm okay Gavin, kaya kong umuwi mag isa." Mabilis kong putol sa iba nya pang sasabihin.
"Pero Clarissa-"
"Ako ng bahala Gavin." Napatingin kaming dalawa ni Gavin kay Adam. "Ihahatid ko na si Ms. Suarez."
"Ah- ahm, pero-" nilingon ko ang mga ibang staff na nakaupo malapit sa table namin. Napanganga sila sa sinabi ni Adam. Ang iba ay nagbulungan.
"Sumunod ka sa akin sa parking lot." Bago pa ako makatangi ay kinuha na ni Adam ang bag ko.
"Teka Ad- este Mr. Saavedra." Imbes na huminto nagpatuloy lang syang naglakad.
Nangangamba akong napatingin sa ibang staff na naroon. Bakas sa mukha nila ang samo't saring reaksyon. Nagkibit balikat na lang si Gavin sa akin.
"Mauna na ako Gavin." Bahagya akong ngumiti bago sya tinalikuran. Paglingon ko ay saktong nagtama ang tingin naming dalawa ni Veronica. Seryoso lang syang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip ang dalawang kamay. Agad akong umiwas ng tingin, lakad takbo kong sinundan si Adam ngunit agad din tumigil parang umikot ang sikmura ko.

BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...