Chapter 27

773 18 4
                                    

"Hindi mo ba ako aalukin ng kape sa loob ng bahay mo?"

"Hindi pwede!" Mabilis kong sagot na ikinakunot ng kanyang noo.

Paano ko sya papasukin eh hindi ko ito bahay.

"Ang ibig kong sabihin. Walang tao sa bahay, hindi magandang tingnan kung maabutan ako ng asawa ko na may kasamang ibang lalaki sa loob."

"Ah ganon ba, ok, ganito na lang sabihin mo sa asawa mo gusto ko syang ma meet bukas or else-" binitin nya ang ibang sasabihin, nanatili akong tahimik. "-or else iisipin ko na meron kang tinatago.

"ADAM!"

"Gusto kong makilala ang asawa mo!"

Ginagawa nya ba to para ipamukha sa akin ang karapatan nya bilang asawa ni mommy?

"Wala tayo sa Pilipinas Adam para manduhan mo ako! Bakit hindi mo na lang ako hayaan mabuhay dito ng payapa!"

"Kung gusto mong lumayo ako at lubayan kita, bigyan mo ako ng rason para gawin yon. Kapag nasigurado kong maayos ang buhay mo sa piling ng lalaking pinakasalan mo ipinangangako ko hahayaan kitang mabuhay na kasama sya. Pero, Kapag nakita kong nahihirapan ka at nasasaktan, sinusumpa ko Clarissa, babawiin kita sa kanya."

T*ng ina! Bakit kinilig ako sa sinabi ni Adam. Ano ba Clarissa! Gumising ka sa katotohanan. Hindi na ikaw ang dating Clarissa na marupok. Wag kang magpadala sa mga sinasabi nya.

"Itetext ko sayo ang time and venue. Kapag hindi ka dumating pinatunayan mo lang sa akin na may itinatago ka."

"Hindi mo na ako madidiktahan Adam at wala akong pakialam sa iisi-"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nong may bumusinang sasakyan sa likod ng sasakyan ni Adam.

Nagtataka namang napatingin sa akin si Adam.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nong ibaba ng driver ang kanyang car window.

"Hey move your car dude, you're blocking my way!"

Tinitigan ako ng masama ni Adam bago sya sumakay ng sasakyan. Habang abala sya sa pag abante nito ay sinamantala ko na ang pagkakataon na tumakas.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng may humawak sa braso ko. Hinatak ako ni Adam papunta sa kanyang sasakyan.

"Ano ba Adam! Bitawan mo ako!"

Sapilitan nya akong isinakay sa loob. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na tumakas. Nakasimangot na isinuot ni Adam sa akin ang seatbelt. Pigil ang bawat paghinga ko dahil sa lapit ng mukha nya sa mukha ko. Hindi ko maiwasang maamoy ang perfume na gamit nya.

Grabe ang bango ni Adam!

Ipinikit ko ang mata at iwinaglit sa isip ko ang mga ganoong bagay. Hindi ko dapat pinagnanasahan ang asawa ng mommy ko. Pagdilat ko ng mata nakatayo pa rin sya sa may pinto habang nakahawak sandalan saka sa harapan ng sasakyan. Nakatitig sya sa akin.

"Subukan mong magturo ulit ng ibang bahay Clarissa kung ayaw mong bitbitin kita papunta sa hotel na tinutuluyan ko." Matapos nyang sabihin iyon ay padabog nyang isinara ang pinto ng sasakyan.

Attitude!

Napilitan akong ituro kay Adam ang bahay na tinutuluyan ko kahit nangangamba ako. Siguro naman hindi magtatagpo ang landas nilang dalawa ni Jacob, lalo na't pabalik na rin sya sa Pilipinas. Isa pa sigurado akong tulog na si Jacob sa mga oras na ito.

"Salamat sa paghatid, wag kang mag alala hindi na ito mauulit." Binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka bumaba.

"Nandyan na ba ang asawa mo?" Tanong ni Adam bago ko maisara ang pinto.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon