"I love you Clarissa!" pabulong nyang sa wika.
Para akong natauhan sa sinabi ni Adam kaya naitulak ko sya palayo.
"A-nong, a-anong s-sabi mo?" nauutal ko sambit.
"Mahal kita Clarissa! Matagal ko ng gustong sabihin yon sayo pero wala akong lakas ng loob aminin.
"Mahal din kita Adam! Mahal pa rin kita hanggang ngayon." Hinawakan ni Adam ang batok ko at inilapit ako sa kanya saka muling muling hinalikan ang bahagya kong nakauwang na labi.
"Clarissa! Clarissa! Clarissa!" Nagising ako sa paulit ulit na pagtawag sa pangalan ko at mahinang pagyugyog.
Idinilat ko ang mata at nabungaran ko si ninang na nakatingin sa akin.
"Kanina ko pa kasi naririnig yong alarm clock mo na tumutubog kaya ginising na ko kita."
"Anong oras na ninang?
"Alas sais na ng umaga."
"Sige po susunod na po ako sa labas."
"May pagkain na hapag kumain ka na lang, paalis na rin ako."
"Yes po ninang."
Naglakad na si ninang palabas ng kwarto at naiwan akong tulala. Putik panaginip lang pala! Akala ko totoo na. Sayang ang ganda ng panaginip ko. Wrong timing naman ang gising ni ninang. Muli akong nahiga sa kama at sandaling natulala. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Hanggang panaginip lang talaga ako kayang mahalin ni Adam. Sana mapanaginipan ko sya araw araw para kahit man lang sa panaginip maramdaman ko na mahal nya din ako.
Ang totoo nyan dalawang araw na mula nong bumalik si Adam sa condo unit nya. Mula noong araw na nagkaroon kami ng pagtatalo ni Adam ay hindi na nya ako pinansin then after ng ilang days nagpaalam na sya kay ninang na babalik sa condo unit. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkaayos. Napansin din ni ninang na palaging mainit ang ulo ni Adam, ang sabi nya lang baka daw badtrip si Adam dahil nag extend si mommy ng ulang araw sa ibang bansa, pero pakiramdam ko galit sya sa akin dahil hindi ko sya sinunod.
Gusto ni Adam na mag move on ako sa nararamdaman ko sa kanya pero kung higpitan nya ako sa pakikipag date kay Julian parang ayaw nya akong magka boyfriend. Kung alam nya lang kung gaano ako nahihirapan mag move on, lalo na pag magkasama sila ni mommy. Siguro tama lang na hindi na muna kami magkita, baka sakaling paglipas ng panahon maging ok na rin ang lahat sa pagitan naming dalawa
"Hey Justin! Nasaan ka?"
"Out of town ako Clarissa, may conference kami bukas, baka sa makalawa pa ako makakabalik. Bakit? May problema ba?"
"Wala naman, wala lang akong makausap ngayon."
"Bakit nag away ba kayo ni Julian?"
"Hindi, bakit naman kami mag aaway? Isa pa napakabait ni Julian, wala akong masabi. Walang rason para mag away kami."
"Si Adam ba?" Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. "Mahal mo pa rin ba sya?"
"Hindi ko alam Just, naguguluhan ako."
"Naiintindihan kita Clarissa, mahirap talagang pumasok sa isang relasyon kung hindi ka pa tuluyang nakaka move on."
"Akala ko pag nakipag relasyon ako sa iba makakalimutan ko lahat. Akala ko ganon lang kadali ang lahat, pero hindi pala." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Nakakahiya mang aminin, pero mahal ko pa rin si Adam, mahal na mahal ko pa rin sya."
"Ikaw lang Clarissa ang kayang gumamot sa sugat dyan sa puso mo, hindi si Julian, hindi ako o hindi ang kahit na sino. Ang maipapayo ko lang sayo, pag isipan mong mabuti kung ano ba sa tingin mo ang makakapagpasaya sayo. Timbangin mo ang sarili mo kung si Julian na ba talaga, wag mong hintayin na masaktan nyo ang isa't isa."
BINABASA MO ANG
I'm All Yours
RomanceClarissa, a 16-year-old girl, is deeply in love with her mother's best friend's younger brother, Adam. Despite their significant age gap of 9 years, Clarissa remains undeterred by their difference in age. She attempts to seduce Adam, but he consiste...