Chapter 45

605 10 3
                                    

"Hindi ka ba nadidiri sa babaeng yan Vernon?"

"Hindi, as long as willing syang sumama sa akin it doesn't matter kahit ano pa ang nakaraan nya."

"Hindi sya sasama sayo!" Natigilan ako nong marinig ko ang pamilyar na boses.

"Uy ang gwapo!"

"Oo nga."

"Sino sya?"

"Napaka-hot!"

"-dahil sa akin lang sasama si Clarissa." Nanlaki ang mata ko nong lingunin ko ang kinatatayuan ng pinanggalingan ng boses.

"A-adam?" Natuptop ko ng palad ang sarili kong bibig.

"I'm sorry kung ngayon lang ako, Clarissa."

Sunod sunod na bumagsak ang luha ko. Hindi ko akalain na makikita ko si Adam na nakatayo sa harapan ko ngayon.

"I'm back!" Ngumiti sya sa akin. Inilahad nya ang kanyang bisig para alukin akong yakapin sya.

"Adam!" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Isinuksok ko ang mukha ko sa malapad nyang dibdib. Gumanti ng yakap sa akin si Adam habang marahan nyang hinaplos ang aking buhok.

Wala akong tigil sa pag iyak, wala akong pakialam kahit maraming tao ang nakatingin sa amin ngayon. Masaya ako na makita si Adam na ligtas.

"I'm sorry Adam! I'm sorry!"

Mula noong maratay si Adam sa hospital walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko. Walang araw na hindi ako pinatutulog ng konsensya ko. Tandang tanda ko pa kung paano sya dalawang beses na nag aagaw buhay habang nirerevive ng mga doktor.

"Shhh, wala kang kasalanan, tahan na, nandito na ako, pangako hindi ako mawawala sayo. Hindi ko kayo iiwan ni Jacob." Tiningala ko si Adam, tinitigan ko syang mabuti. Sobrang namiss ko Adam. Ang laki ng ipinayat nya.

Marahang pinunasan ni Adam ang mga luha ko sa pisnge. "I love you Clarissa!"

"I love you Adam!" Masuyong hinaplos ng hinlalaki ni Adam ang nakaawang kong labi bago nya ako dinampian ng mabilisang halik. Tinitigan nya ako sa mata nong pakawalan nya ang labi ko. Maya maya pa ay hinawakan nya ako sa batok saka muling hinalikan sa labi. Sa pagkakataong ito tuluyan na kaming nalunod sa emosyon. Napakapit ako sa dibdib ni Adam. Kinakailangan ko pang tumingkayad para lang abutin sya. Mapusok at nakakalunod ang paraan ng kanyang halik.

Hindi ko alintana ang mga tao sa paligid. Ang mahalaga lang sa mga oras na ito ay ang nararamdaman ko kay Adam at ang nararamdaman nya sa akin. Habang magkadantay ang labi naming dalawa ay bumalik sa alaala ko ang nakaraan. Yong mga panahong patay na patay pa ako sa kanya. Sobrang mahal ko si Adam, hindi iyon nawala.

Mula ngayon hindi na ako matatakot na iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Walang Vernon, o kahit si lola ang makakapaghiwalay sa aming dalawa. Marami ng nasayang na oras sa aming dalawa, ayoko ng madagdagan pa iyon. Ipaglalaban ko sya hanggang sa huli.

Kapwa kami sabik sa isat isa. Habol hininga ako sa bawat galaw ng kanyang labi.

"Hindi ka na nahiya Clarissa! At dito ka pa talaga nagkalat ng kalandian mo sa birthday pa ni mommy!" Asik sa akin ni Tita Clarita.

Pinakawalan ni Adam ang labi ko pagkatapos ay bumulong sa akin. "Gusto mo bang itakas kita dito?" Napangiti ako sa suhestiyon ni Adam. Muli nya akong dinampian ng mabilisang halik sa labi bago ko hinarap si Tita Clarita at Vernon.

"I'm sorry Vernon, pero hindi ko kayang magpanggap." Hindi sumagot si Vernon, nanatili lang syang nakatingin sa akin at walang emosyon. "Tita Clarita, sana maging masaya ka sa buhay mo, pasensya na sa pagkakalat sa birthday ni lola. Ikaw na ang bahala kay Vernon." Tiningnan ko si Adam saka ngumiti. Muli nya akong dinampian ng halik sa labi bago nya hinawakan ang kamay ko at patakbo kaming lumabas ng mansyon ng mga Vasquez. Parang gusto kong matawa sa reaksyon ng mga bisita ni lola. Para silang nakapanood ng drama.

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon