Chapter 34

825 16 5
                                    

"Are you okay, Clarissa?" Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Adam na nakaupo swivel chair, nakatingin sya sa akin. Mukhang abala ito sa kung ano man ang nasa laptop, nakasuot pa ito ng reading glass na lalong nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan dahil sa matangos nyang ilong.

Hindi ako nakaimik, nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad sya palapit sa akin. Nagulat ako nong pitikin nya ang noo ko.

"Anong pumasok sa kokote mo Clarissa at ipinahamak mo ang sarili mo? Paano kung may nangyari sayo don? Paano kung hindi ako nakarating? Paano kung may-" Naisuklay nya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. Halatang nagpipigil sya ng galit.

"Kung kaya nyong maatim na ang tauhan nyo ay walang kalaban laban na minomolestya ng matandang yon, pwes ibahin nyo ako! Hindi ko kayang makita ang kapwa ko babaeng pinagsasamantalahan!"

Inilagay nya ang dalawang kamay sa kanyang bewang. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya. "Pero sana naman bago ka nagdesisyon na ipahamak ang sarili mo ay tinawagan mo muna sana si Gavin para kumonsulta sa kanya!"

"Ibinilin ko naman kay Jasper na tumawag sya kay Gavin in-case of emergency."

"At sino naman si Jasper?"

"Si Jasper, yong lalaking tumutulong sa akin sa factory. Ibinigay ko sa kanya ang cellphone ko. Ibinilin ko sa kanya na humingi ng tulong if ever na may mangyari sa akin."

"Hihintayin mo pa talaga na may mangyari sayo? Nag-iisip ka ba talaga Clarissa?" Galit na galit si Adam. Para nya akong lalamunin ng buo sa sobrang galit.

Bakit ganon, parang kabaligtaran yata ang panaginip ko, Imbes na salubungin nya ako ng halik puro sermon ang inabot ko sa kanya. Ang moody ng lalaking to.

"Ano bang ikinagagalit mo Adam? Ligtas naman ako at walang nangyari sa aking masama."

"Ewan ko sayo Clarissa!" Tinalikuran nya ako at naglakad palabas ng kwarto. Padabog nyang isinara ang pinto. Napapikit ako sa lakas ng kalabog ng pinto. Naiwan akong tulala at naguguluhan.

"Anong problema non?"

Susundan ko sana sya sa labas subalit naalala ko na tanging t-shirt lang ang suot ko ngayon.

Pasalamat ka Adam wala akong suot na underwear kundi, naku! Pero syempre charot lang yon!!!

Hindi na ako yong dating Clarissa noon na handang ibigay ang sarili sa kanya ano mang oras. Isa pa ang alam nya ay may asawa na ako hindi yon papatol sa akin.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Adam. Hindi ako makatulog kakaisip sa kanya. Hindi kaya dahil nandito ako sa kwarto nya kaya ayaw nyang bumalik? Haisst makalipat na nga lang kwarto.

Bumangon ako sa kama at inayos ang nagulo nyang bed sheet. Matapos kong masiguradong maayos na ang kama ay nagdesisyon na ako para lumabas. Pinihit ko pabukas ang doorknob. Bahagya ko nang nabuksan ang pinto subalit natigilan ako nong makarinig ako ang familiar na ringtone.

Mukhang nanggagaling ito sa table ni Adam kung saan naroon din ang kanyang laptop. Sumilip muna ako sa labas ng kwarto, ang tanging nakikita ko ay ang madilim na sala.

Nasan kaya yon si Adam?

Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako o babalik para tingnan ang phone nya. Sa huli, nagdesisyon ako na bumalik. Kukunin ko lang ang phone para ibigay sa kanya.

Sino naman kaya ang tatawag ng ganitong oras?

Nakita ko ang pangalan ni Veronica na tumatawag kay Adam.

Grabe naman tong babaeng toa
Ilang oras pa lang silang hindi magkasama tumatawag na agad ang bruha. At sa ganitong dis oras pa nga gabi. Ano pag uusapan nila ng ganitong oras?

I'm All YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon